Pangmatagalang progreso, dama na pagbabago: Pamana ni Lenlen Oreta Sa Malabon

June 26, 2022 People's Tonight 98 views

NATAPOS man ang termino ng alkalde ng Malabon na si Antolin“Lenlen” Oreta III ngayong 2022, hindi naman malilimutan angkanyang mga proyekto na binigyang buhay ng kanyangpamamahala.

Isa sa mga pinagtuunan ni Oreta ang programa para sakalusugan. Simula nang siya’y naupo, pinaganda niya angserbisyo ng Ospital ng Malabon. Hatid nito ang serbisyo mula sapaanakan hanggang operasyon. Lalo pang nasubok ito nangdumating ang pandemya simula noong 2020. Hindi nagpatinagang Alkalde sa ganitong problema. Naglatag, nagsagawa at nagpatupad ng mga epektibong solusyon ang lungsod upangmatulungan ang mga Malabonian na malabanan at masugpo angCOVID-19.

Nagkaroon din ng programa para sa problema sa malnutrisyon. Kaya naman sa tulong ng Karinderia para sa Kalusugan niChikiting (KKC), bumaba ang malnutrition rate sa lungsod ngMalabon.

Isa ang edukasyon sa pinaka importanteng proyekto ng lungsod. Ilan lamang sa mga programang pang edukasyon ay angAlternative Learning System at Project SHARE na nakatulongsa mga Malabonian upang makapag adjust sa tinatawag na new normal. Isa sa mga highlight ng programang pang edukasyonang pagkakatalaga sa City of Malabon University (CMU) bilangisang Local Economic Enterprise ngayong 2022. Nangangahuluhan na di lamang umaasa ang CMU sa pondo ngLungsod para sa mga proyekto para sa mga mag-aaral.

Naging layunin din ng pamamalakad ni Oreta ang pagbibigay ngpag-asa at bagong simula sa mga Malabonian. Kaliwa’t kananang mga programa para rito tulad ng mga aktibidad sa drug rehabilitation na bahagi ng programa ng Rehab Clinic, pagbibigay pansin sa mga Children in Conflict with the Law, at sa mga batang biktima ng pang-aabuso at pang-aabandona satulong ng Bahay Pag-Asa para sa Sagip Kalinga program ngCSWDD at ang pagpapatayo ng mga in-city resettlement site para sa mga ISF.

Napaganda rin ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ngMalabon dahil sa pagpapatupad at pagsunod sa mga regulasyonkatulad ng Anti-Red Tape Act at Malabon Citizen’s Charter. Isa sa kanilang mga innovation ay ang online payment system o E-BOSS.

Malaki ang papel ng imprastraktura sa pang araw-araw na buhayng mga Malabonian. Mabuti ang naidulot ng mga streetlight at CCTV upang mas lalong maging ligtas na lungsod ang Malabon. Pinagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng flood control system dahil layunin nilang huwag na muling makaranas ng mataas napagbaha kapag mayroong bagyo. Nagkapagpalagay ng 16 nabagong pumping station at ito ay patuloy na inaalagaan nglungsod kasama ang DPWH at MMDA.

At dahil hindi kayang bunuin ng buwis ng lahat ng Malabonianang mga pampagawa sa mga imprastraktura, kinailangan nglungsod na mangutang sa Land Bank. Noong 2018, matatandaang umutang ng P202.6-milyon para sa mga proyektotulad ng pagpapagawa ng Catmon Super Health Center kasamaang dalawang pang karagdagang gusali sa barangay, DRRMO Action Center sa Brgy. Potrero, Rehabilitasyon ng Oreta Sports Center, Greening Center Island sa C4 at Malabonian Sports Complex sa Hulong Duhat.

Lahat ng proyektong ito ay kasalukuyang nag-ooperate. Umutang din ng P1.15-bilyon noong 2020. Sa anim na proyektona nakatakdang ma-implement, tatlo rito ay nagsisimula nakatulad ng pagpapagawa ng Longos at Tonsuya Super Health Centers, at Rehabilitasyon ng Potrero Super Health Center, pagpapagawa ng City Health Building sa likod ng munisipyo, at rehabilitasyon ng Tugatog Public Cemetery.

Marami pang naging proyekto si Oreta sa kanyang termino natiyak na nakatulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng takbong pamumuhay sa lungsod.

Taliwas sa mga naging balita at mga haka-haka nitongnakaraang mga araw, hindi iniwan ni Oreta ang Malabon nawalang pera. Nag-iwan ng balanse ang alkalde nanagkakahalagang P1,427,755,035.97 upang panimula para sabagong uupo na administrasyon. Naniniwala si Oreta na angresponsableng paggamit ng pondo ng lungsod, mababayaran angmga hiniram na pera sa bangko na mayroong.

AUTHOR PROFILE