Fetus na nasa garapon natagpuan sa eskinita

June 26, 2022 Jonjon Reyes 61 views

ISANG fetus na nasa garapon ang natagpuan sa isang madilim na eskinita Linggo ng umaga sa Tondo,Manila.

Tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong buwan ang naturang fetus na natagpuan sa Lakandula Street sa Barangay 33.

Ayon sa hindi na pinangalanang babae na residente sa lugar, nagulat ito ng makita ang laman ng garapon, kaya ipinagbigay alam ito sa himpilan ng Manila Police District Station 1.

Ayon sa pulisya, posible umanong dumayo lamang sa lugar ang nagtapon ng fetus.

Kasalukuyang inaalama pa ng mga kapulisan kung sino ang nagtapon ng fetus base sa CCTV footage sa lugar.

AUTHOR PROFILE