Default Thumbnail

Oktoberfest sa Bilibid

November 4, 2022 Allan L. Encarnacion 425 views

Allan EncarnacionMAHIGIT pitong libong beer in cans ang nakumpiska sa Bilibid sa unang linggo ng Nobyembre.

Dami pa palang natira sa Oktoberfest sa Munti!

28,545 ang preso dyan, mukhang over supply ng beer to prisoner ratio dahil sa dami pa ng nakumpiska.

Tiba-tiba ang supplier, lalo na sa balitang P1,000 pala ang presyo kada lata ng serbesa!

Akala ko mahal na ang beer sa Pegasus na nabibili namin noon sa halagang P180, mas matindi pala sa Bilibid! Lalo sigurong mahal ang lady’s drink!

Mga kosa, mas marami pa kayong erbi dyan sa oblo kaysa sa amin dito sa laya.

***

Pasyal-pasyal sana ako sa Singapore from Oct 30 to Nov 2. P54K plane ticket, P28K per night ang hotel.

Anim sana kaming aalis, buong pamilya with apo. Dalawang room ang kailangan for 3 nights or P28kx2x3 plus P300K plus plane tickets.

Pero sa tindi ng presyo, iyong misis ko nag-bus na lang papunta Isabela P800 lang aircon din naman, kaming lima naman, nag-ikot sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Mura na, mura pa!

***

Sana nga ay mag-fully open na ang Hong Kong, Macau at iba pang destinasyon para hindi na “taga” ang presyuhan sa pag-abroad.

Hindi na tama ang presyo ng air fare at mga hotel sa SG kaya magdadalawang isip ka talagang magbiyahe.

Kunsabagay, pati ang local tourism ay mabigat na rin ang pamasahe. Nag-Bacolod ako kailan lang, P18K na tiket pa lang sa eroplano.

May nag-sponsor naman ng hotel ko sa Bacolod kaya nakamura kahit paano at work-related naman.

Noong huling biyahe ko sa Bacolod, 4 months ago, P13K lang air fare, biglang naging P18K plus na last month lang.

Magastos na rin ang local tourism pero mas ok na ito kasi hindi ibang bansa ang makikinabang sa pera mo.

Bottomline, kung gusto mong makatipid, maki-Marites ka na lang sa kapitbahay mo sa tuwing may long weekend para hindi maubos ang ipon mo!.

[email protected]