Occidental Mindoro niyugyog ng 5.1 magnitude na lindol
YINUGYOG ng 5.1 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro Martes, ayon sa Phil Insitute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa agency ang sentro ng lindol ay nasa hilagang silangan ng Sablayan Occidental Mindoro.
Tectonic ang origin ng lindol, ayon sa agency.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity IV sa Sablayan at Rizal, Occidental Mindoro at Intensity III naman sa Abra De Ilog, Santa Cruz at Calintaan, Occidental Mindoro; Calapan City at Bansud, Oriental Mindoro
Intensity II naman sa Makati City; Batangas City; Baco, Oriental Mindoro
Intensity I – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tingloy, Batangas;
Ayon sa Phivolcs,inaasahan ang aftershocks at damage kaugnay ng naganap na lindol.