Default Thumbnail

Mag-asawa sugatan sa pamamaril sa Laguna

December 22, 2021 Gil Aman 239 views

SUGATAN ang isang mag-asawa matapos barilin ng isang armadong suspek Martes ng madaling araw habang sakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo sa Bgy. Dita, Sta Rosa City, Laguna.

Sa ulat na dumating kay Laguna Acting PNP Provincial Director PCol. Rogarth Campo na ipinadala ni Sta Rosa Police chief P/LT. Col. Paul Sabula, kinilala ang mga biktima na sina Rolando Maestrado Gil, at Maribel Molina Gil, parehong nasa hustong gulang.

Ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang mga katawan mula sa hindi mabatid na baril ay kasalukuyang ginagamot sa St. James Hospital sa lungsod ng Sta Rosa.

Base sa inisyal na report, ang mag-asawa na kasalukuyang nagtatrabaho sa Laguna Tecnopark bilang mga factory workers ay sakay ng service motorcycle ng hindi sumulpot ang suspek dakong 5:10 a.m.

Ang mga biktima ay pinagbabaril pagsapit nila ng ng Villa Anthurium.

AUTHOR PROFILE