Default Thumbnail

No. 5 most wanted sa Mla. arestado ng MPD sa Makati

October 10, 2021 Francis Naguit 419 views

ARESTADO sa kasong violation ng anti-child abuse law ang isang 38 anyos na negosyante akaraang matunton ito ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Makati City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/ Lt.Col.Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD- Sta.Ana Police Station 6 ang suspek na si Richie Hinlo, binata , negosyante at residente ng 1811 Int.90 Blk.818 – A Zone 88 , Manila.

Ayon sa ulat ni P/Major Geuel Capuz, hepe ng Warrant Section, bandang 8:30 ng gabi nang maaresto si Hinlo sa kahabaan ng South Avenue St.

Pinangunahan ni P/ Lt.Renato Ramento at anim nitong tauhan ng arestuhin ang suspek sa kanyang tahanan.

Bitbit ng mga alagad ng batas ang arrest warrant na inisyu laban sa suspek ni Judge Liza Marie Raagas Picardal – Tecson, ng Regional Trial Court Br. 144, ng Makati City.

Si Hinlo ay nasa top 5 most wanted sa Sta. Ana, Manila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE