
NIR magpapabuti sa govt service sa NegOc, NegOr, Bacolod, Siquijor
SINABI ni Sen. Sherwin Gatchalian na bubuti na ang paghahatid ng mga frontline na serbisyo ng gobyerno sa Negros Island kasunod ng pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang nagtatakda para sa paglikha ng Negros Island Region (NIR).
“Kapag naisabatas na ang panukala, magi-streamline ng mga serbisyo sa gobyerno dahil palalakasin ng mga lalawigan sa rehiyon ang kanilang mga proseso ng serbisyo at mababawasan ang mga gastos para sa kapakinabangan ng mga residente ng rehiyon,” sabi ni Gatchalian, co-author ng naturang panukala.
Sa ilalim ng Negros Island Region, magsasama-sama ang Negros Occidental, kabilang ang lungsod ng Bacolod, Negros Oriental at Siquijor.
Sa ilalim ng umiiral na setup, kailangan pang pumunta sa Iloilo ang mga residente ng Negros Occidental para mag-apply ng kanilang mga identification cards, certificates, o permits habang kailangan ding pumunta pa sa Cebu ang mga taga-Negros Oriental para sa parehong proseso.
Isasama ang pondong gugugulin sa pagpapatupad ng batas na ito sa taunang General Appropriations Act.