Allan

Nasasayang na tone-toneladang pagkain

March 25, 2024 Allan L. Encarnacion 106 views

KUNG malalaman n’yo lang ang dami ng mga pagkain na naitatapon mula sa mga buffet restaurants at mga hotels, maitatanong nyo sa inyong sarili bakit hindi pa ito ipakain sa mga nagugutom nating kababayan.

Kung ganoon sana kadali, baka kaya na nating magyabang na kayang maabot ang zero hunger sa buong bayan.

Sa tuwing napapasok ako sa mga buffet settings na hotel or restaurant, hindi ko matantiya kung gaano karaming pagkain ang naitatapon na lang kaysa pakinabangan kapag natapos ang breakfast, lunch and dinner.

Una, hindi naman kasi puwedeng itabi ang mga leftover food sa mga buffet para ihain ulit sa susunod na araw dahil masyadong delikado ito sa mga customers.

Hindi rin naman magawa ng management ng hotels and restaurant na ipamigay sa mga mahihirap nating kababayan dahil baka sa kagustuhan nilang makatulong ay malagay pa sila sa alanganin.

Kapag kasi may nalason or sumakit ang tiyan sa ipinamigay na leftover food, baka mademanda pa sila.

Kahit sa mga empleyado, hindi rin pinamimigay ng management ang tira dahil din sa peligro na makasuhan pa sila sakaling magkaproblema.

International practice na ito, ibig sabihin, kahit sa ibang bansa, mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng leftover foods sanhi rin ng banta ng demanda.

Dito sa atin, puwede naman sanang maipamahagi ang mga natirang pagkain same day pero kailangan nating bigyan ng. safety net or immunity from suit ang management na gagamitin sa social services ang mga left over.

Kailangan natin ng isang batas para dito kung gusto talaga nating hindi masayang ang mga tira subalit matitino namang pagkain.

Pero habang wala pang enabling law, dapat siguro ay ibigay na muna sa DSWD at DOH, FDA ang pangangasiwa sa pagtiyak na ligtas ang mga leftover food na ipamamahagi sa mga nangangailangan.

Ang importante kasi rito ay una, pakinabangan ang mga pagkain at hindi masayang na itinatapon lang, pangalawa, maging bukas ang management ng mga buffet na ipamigay ang nga leftover for the day at pangatlo, mabigyan sila ng immunity from suit sa pagkain dahil dito papasok ang “sovereign guaranty.” Ibig sabihin, ang gobyerno na ang bahalang tumiyak na hindi makakakasuhan ang management sa anumang future conflict sa isyu ng pamimigay ng leftover food.

Kailangan nating maging innovative or maging madiskarte para mapakain ang mga naghihirap nating mga kababayan.

Imagine kung ilang toneladang pagkain ang araw-araw na itinatapon lang dahil sa walang gustong managot.

Kailangan may tumayo, kailangan may handang maging responsable.

[email protected]