Nanay ni Heart gustong maayos ang problema nila ni Sen. Chiz

September 16, 2022 Aster Amoyo 377 views

HULING nakitang magkasama in a public appearance ang celebrity couple na sina Sen. Francis `Chiz’ Escudero at Heart Evangelista nung gabi ng July 30, 2022 sa GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa grand ballroom ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City in Taguig pero the following month ay nagsimula nang umugong ang balita na may problemang pinagdadaanan ang couple. Binago na rin ni Heart ang kanyang Instagram account at wala na halos larawan doon na kasama niya ang kanyang politician husband except yung picture na magkasama silang dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos last July 25, 2022.

‘Up to this day ay tikom pa rin ang bibig ng couple na may kinalaman sa kanilang marital problem.

Nariyan pa ang planong pagbili umano ni Heart ng bahay or condo sa Paris, France kung saan siya madalas ngayon.

Lahat naman ng couples ay dumadaan sa rough times at hindi naiiba sa kanila ang mag-asawang Heart at Sen. Chiz.

Umaasa naman ang mom ni Heart na si Gng. Cecilia Ongpauco na maaayos ng mag-asawa ang kanilang problema.

Samantala, sa kabila ng mga balitang hiwalay na umano ang mag-asawang Heart at Sen. Chiz, patuloy ang pagiging busy ng singer-actress, visual artist, fashion icon, entrepreneur and philanthropist sa kanyang maraming activities at kasama na rito ang kanyang pabaliuk-balik na biyahe sa Paris, France where she has fashion collaboration with various name brands, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya munang gumawa ng bagong teleserye sa GMA. Huli siyang napanood sa TV drama series na “I Left My Heart in Sorsogon” nung nakaraang taon kung saan niya nakasama sina Richard Yap at Paolo Contis.

2022 ABS-CBN Ball na-postpone, walang paliwanag POSTPONED ang October 2, 2022 ABS-CBN Ball matapos maglabas ng official statement ang Kapamilya management last Wednesday, September 14, 2022.

“Given the circumstances, the ABS-CBN Ball scheduled on October 2 is postponed.

We remain grateful to our Kapamilya stars, industry partners and friends for their unwavering support.”

Walang sinabing dahilan kung bakit postponed ang pagsasagawa ng ABS-CBN Ball matapos itong matigil ng dalawang taon dahil sa pandemya at pagkakawala ng prangkisa ng TV network.

Tiyak na malulungkot ang stars and talents ng ABS-CBN na nagsimula nang maghanda ng kanilang mga kasuotan sa much-anticipated star-studded ball.

KingPrince

Ang royal succession matapos mamayapa si Queen Elizabeth II QUEEN Elizabeth II, the longest-reigned British monarch who died in Balmoral Castle in Scotland last September 8, 2020 will be buried on Monday, September 19 at St. George’s Chapel in Windsor Castle next to her husband, Prince Philip, Duke of Edinburgh who died at age 99 on April 9, 2021.

Ang St. George’s Chapel ay ipinatayo nung 1969 at ipinangalan sa ama ni Queen Elizabeth II na si King George VI (who died of coronary thrombosis at age 56 nung 1952) at doon nakalagak ngayon ang kanyang mga labi gayundin ang Queen Mother na si Queen Elizabeth who died at age 101 in 2002. Doon din nakalibing ang anak nitong si Princess Margaret, who died weeks before the Queen Mother.

Pansamantalang nakalagak ang mga labi ni Prince Philip sa Royal Vault ng St. George’s Chapel at ililipat ito katabi ng libingan ni Queen Elizabeth II in the same chapel.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Queen Elizabeth II sa Westminster Hall for the wake.

Nagkaroon ng royal procession kay Queen Elizabeth last Wednesday, September 14 nang siya’y ilipat mula sa Buckingham Palace papuntang Westminster Hall for the public wake.

At the procession ng mga labi ni Queen Elizabeth ay nasa likod ng horse- driven carriage ang kanyang mga anak, ang bagong installed na si King Charles III, mga kapatid na sina Princess Ann, Prince Andrew, Prince Edward at mga anak ni King Charles sa namayapang si Diana, Princess of Wales na sina Prince William at Prince Harry.

Nasa ibabaw ng coffin ni Queen Elizabeth ang kanyang crown na nakapatong sa purple velvet pillow katabi ng wreath of white roses.

Libu-libo if not millions ang pumila sa mga dinaanan ng procession.

Sa pagkakahirang kay Prince Charles bilang bagong hari, mag-iiba rin ang titulo ng kanyang mga nakababatang kapatid, mga anak at mga apo.

Si Prince William ang sasalo bilang Prince of Wales. Siya bale ang susunod in succession sa trono ng amang si King Charles III.

Si Camilla Bowles, Duchess of Cornwall ang bagong Queen Consort matapos maging hari si King Charles III.

Nang sumakabilang-buhay si Princess Diana nung August 31, 1997, si Camilla Bowles na dapat ang Princess of Wales pero hindi ito ginamit ng second wife ni King Charles III out of respect sa namayapang ex-wife ng bagong hari ng Britanya.

It was Queen Elizabeth II who granted the Queen Consort instead of Princess Consort kay Camilla nung nabubuhay pa ang reyna.

Bababa sa kasaysayan ng United Kingdom ang pagiging longest reigning monarch ni Queen Elizabeth II na umabot ng pitong dekada. Umabot din ng 74 taon ang marriage nila ni Prince Philip until his death nung isang taon.

King Charles III is turning 74 on November 14, his first birthday na isa na siyang hari. Ang next to the throne ay ang kanyang panganay na anak (sa namayapang si Princess Diana) na si Prince William (40). The Duke of Cambridge will now take over the title of his father, the Prince of Wales.

Base sa succession, bukod kay Prince William, susunod naman sa trono ang kanyang tatlong anak kay Kate Middleton, Duchess of Cambridge na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis bago pa si Prince Harry, second son ni King Charles III.

Since tinalikuran na ni Prince Harry at ni Meghan Markle, Duchess of Sussex ang kanilang royal duties, malamang na hindi na umabot si Prince Harry sa trono ng amang si King Charles III. There is also a big possibility na maging Prince and Princess na rin ang titulo ng dalawang anak nina Prince Harry at Meghan na sina Archie at Lilibet.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE