Atty. Vigor Mendoza II

Nagharang ng SUV sa kalye ipatatawag ng LTO

August 24, 2023 Jun I. Legaspi 218 views

IPATATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng Toyota Fortuner na iniwan sa main entrance ng isang paaralan sa Mandaluyong City noong Agosto 16.

Nag utos na si LTO Chief at Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente matapos matanggap ang sulat mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Nakita ko mismo ang larawan ng inirereklamong insidente at ako’y napailing na lang habang binabasa ang sulat galing sa MMDA na pagkatapos iwan ang saksayan sa gitna ng kalsada ay pumasok ang driver nito sa loob ng isang paaralan sa lugar,” said Mendoza.

“But as part of the due process, we will conduct an investigation to identify the driver and eventually summon him and ask him to explain why he should not lose the privilege of being granted a driver’s license,” saad ni Mendoza.

Ayon sa MMDA, naging sanhi ng mabigat na trapiko sa lugar ang pag-iwan sa SUV sa naturang lugar. Malinaw na lumabag sa batas trapiko ang driver na posibleng ikasuspindi ng driver’s License nito.

AUTHOR PROFILE