Suspek HULI–Hindi na nakapalag ang suspek sa panghahalay nang arestuhin ng mga pulis sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot timbog dahil sa rape

August 24, 2023 Jonjon Reyes 254 views

HINDI na nakapalag ang isang 31 anyos na binata matapos arestuhin ng mga operatiba ng MPD Moriones PS 2 dahil sa umano’y panghahalay sa isang menor de edad sa Paghanapin St., Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Rico,” delivery rider ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Police Captain Robert Dato, hepe ng Warrant and Intel Section kay Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang 6:00 ng gabi nang matunton sa kanilang lugar ang akusado.

Nabatid na matagal na umanong ginagahasa ng suspek ang menor de edad na kanyang kapitbahay.

AUTHOR PROFILE