Default Thumbnail

Nagbigti dahil walang pera

May 13, 2021 Cesar Reyes 578 views

ISANG ginang ang maaaring hindi na nakayanan ang hirap ng buhay at tinapos ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti noong Miyerkules ng hapon sa Labrador, Pangasinan.

Ang nasabing ginang at 40 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing natagpuan ng mister ng ginang na nakabigti gamit ang nylon na lubid na sa loob ng kanilang kuwarto.

Idineklarang dead on arrivl ang ginang sa Labrador Municipal Hospital.

Ayon sa asawa ng biktima, noong nakaraang linggo ay nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sa pera.

Nag-iwan pa umano ang ginang ng suicide note.

Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan ng mga pulisya.

AUTHOR PROFILE