Nadine

Nadine: Hindi na ako makikinig sa ibang tao

June 27, 2021 Vinia Vivar 490 views

Ibinahagi ni Nadine Lustre ang mga struggle niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz na naging dahilan din ng kanyang depresyon.

Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ng TV5, isa raw sa mahirap na parte ay ‘yung hindi niya kayang tumanggi noon sa mga ipinapagawa sa kanya at yes lang siya nang yes.

“In the beginning, nu’ng nagsta-start pa lang ako, well, Diary ng Panget, and ‘yung mga movies namin, ‘yun talaga ‘yung time na hindi mo pa kayang mag-no sa mga tao. So, lahat ng ino-offer sa ‘yo, yes lang nang yes,” kwento ni Nadine.

“Hindi na ako magsisinungaling. Sasabihin ko na na sobrang napagod ako talaga. And at some point, na-depress din ako kasi parang sabi ko sa sarili ko, ‘ano ba ‘tong ginagawa ko?’

“Kasi, may mga bagay na ginagawa ako noon na hindi ko talaga gustong gawin. But because, alam mo ‘yun, ‘yung mentality na nandito na ’ko, eh, kung aatras pa ‘ko, ’di ba, baka mawala,” patuloy ng aktres.

Ikina-frustrate rin daw niya na may mga oras ding hindi siya naiintindihan ng mga tao kapag may sakit siya, halimbawa, at hindi pumayag na makapag-picture at masasabihan na agad siya na suplada.

“Kasi may nga tao na hindi nakakaintindi na tao ka rin, na you know, nagkakasakit ka rin, minsan, hindi ka rin okay and all of that,” sey niya.

But eventually, aniya, ay natutunan na rin niya how to say no to a lot of things.

“And hindi rin naman ako magsisinungaling na ‘yung mga times na pinagdaanan ko, ano talaga siya, essential talaga siya for my growth and I’m not ashamed of it,” she said.

But looking back, talagang hindi raw niya makakalimutan ‘yung time na sobrang depressed and lost siya.

“Feeling ko talaga, end of the world na. I think (it was) 2015, sobrang ano ‘yun. Naalala ko, nag-Korea kami nu’n kasama ko si Yassi Pressman. Then sabi ko talaga, parang ayoko nang bumalik.

“Kasi, sobrang lost ako nun’g time na ‘yun. Parang hindi ko na alam kung anon’g gusto ko. Alam mo ‘yun, parang sobrang numb na ‘ko, sobrang parang jaded na ‘ko sa life, para ‘kong robot,” kwento ni Nadine.

And because of the pandemic, nagkaroon daw siya ng time to reflect, to reassess her life at isipin kung ano ba talaga ang gusto at ayaw niyang gawin.

“Na-realize ko na alam mo, hindi na ako makikinig sa ibang tao. Basta ili-live ko ‘yung life ko,” sey ng aktres.

AUTHOR PROFILE