MWP timbog sa Binondo

December 18, 2022 Jonjon Reyes 139 views

NO bail ang inirekomenda ng korte sa isang 42-anyos na lalaki makaraan itong maaresto nang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at 4th MFC ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO Linggo ng umaga sa Muelle Industria Street, Binondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, MPD- Station 11 commander ang suspek na si alias Jeff, 42 , may asawa ng Asuncion St.Tondo .

Kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Persons ng MPD Meisic Police Station 11 ang suspek.

Base sa ulat ni Police Captain Joselito Delos Reyes ng Warrant Section, Intel Section na si Police Leutenant Marvin Peralta at Police Major Vilmer Miralles ng 4th MFC ng RMFB , bandang 9 a.m. nang mamataan ang suspek sa Meulle Dela Industria Street.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 , Art. II ng RA 9165 o possession of dangerous drugs.

Matapos isailalim sa medical checkup, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya.

AUTHOR PROFILE