Default Thumbnail

MWP sa kasong ‘rape’ tiklo sa San Pedro

March 21, 2023 Gil Aman 200 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Arestado ang isang lalake na “most wanted person” (MWP) sa regional level dahil sa kasong “rape” sa isinagawang manhunt operation sa San Pedro City, Laguna araw ng Lunes.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director ng Laguna Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay residente ng San Pedro City, Laguna.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rolly B. Liegen, hepe ng San Pedro City Police Station, nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation laban sa akusado ganap dakong alas 7:10 ng gabi, Marso 20, 2023 sa Bgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pag-aresto sa MWP.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 170, San Pedro City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Nanette Mendoza Austria, Presiding Judge noong Marso 15, 2023.

Nahaharap ang akusado sa kasong “rape by sexual assault” na walang piyansang nirekomenda at “acts of lasciviousness” na mayroong nakalaang piyansang P180,000 para sa pansamantalang paglaya nito.

Ang suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng San Pedro police samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto ng akusado.

AUTHOR PROFILE