Default Thumbnail

MWP na obrero timbog sa child abuse

July 11, 2022 Jonjon Reyes 264 views

INARESTO sa bisa ng arrest warrant ang isang construction worker dahil sa tangkang panggagahasa nang mamataan ito ng mga operatiba ng Manila Police District MPD sa kanilang lugar sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila Lunes ng madaling araw.

Ang suspek na nakatira sa Isla Puting Bato, Tondo ay nasakote base sa direktiba ni P/Lt. Col. Paul Jady Doles, commander ng MPD-Delpan Police Station 12.

Pinangunahan ni P/Capt. Rogelio Reyes ang ginawang pagtugis sa obrero pasado alas-12:30 ng madaling araw sa kanilang lugar at inihain ang ang arrest warrant na inisyu ni Judge Mateo Altajeros ng Family Court Branch 16 ng Valenzuela City na may petsang Mayo 5, 2022.

Ang suspek ay nasa talaan din ng “most wanted person” (MWP) sa station level dahil sa kasong attempted rape at paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law) na may inirekomendang piyansang P120,000.

AUTHOR PROFILE