Default Thumbnail

​MTBMLE ang bagong sona ng ginhawa

February 25, 2023 Magi Gunigundo 541 views

Magi GunigundoSA panahong hinaharap na tinukoy ni Dr. Ricardo Ma Nolasco na “cultural renaissance,”ang MTBMLE , na ngayon ay pinagmumulanng pangamba at agam-agam, ay magigingbagong sona ng ginhawa ng ating lipunan dahilang ating mga paaralan ay hindi na magsisilbing sementeryo ng mga wikang alam ng batang Filipino.

Sa tatlong araw na konperensya tungkol sa MTBMLE na ginanap sa UP Visayas Iloilo City campus nitong Pebrero 21-23, 2023, nakita ko ang sigasig at pagpupursigi ng mga guro at mga opisyales ng DepEd, mga Pamantasan mula sa mga rehiyon ng bansa, ABC+, SIL Lead, 170+Talaytayan, at TEBTEBBA, sa mga nagawa na nila sa paglikha ng mga aklat at iba pang gamit pangturo at pagpapalitan ng mga teknik, istratehiya at karanasan sa hamon ng pagtuturo sa ilalim ng konsepto ng unang wikang bata sa pagtuturo.

Dahan dahan nang nabubuo ang kaisipan na hindi titino at huhusay ang kalidad ng sistemang edukasyon kung paulit-ulit na lang natin gagawin ang nakagawian at aasa sa suwerte. Isang kabaliwan kung di tayo aalis sa kasalukuyang sona ng ginhawa na nagbigay sa atin ng learning poverty. Ito ang dahilan kung bakit nakatuntong sa prinsipyo ng Mother Tongue Based Multi Lingual Education ang kurikulum ng Kinder to Grade 12 ng RA 10533.

Hindi tayo makakaiwas sa magastos na pagsasanay ng mga guro, paglikha at pagpaparami ng mga babasahin sa pagtuturo na gamit ang unang wika ng bata at akma sa kultura ng pamayanan ng lugar, at pagpapalit ng kaisipan na ang pagkatuto ng English ang tanging paraan upang umangat ang tindig sa ating lipunan.

Normal na mangamba ang mga guro at magduda ang mga magulang sa pagsalubong sa sistema ng MTBMLE na malaki ang pagkakaiba sa dating nakagawiang bulok na sistema. Bunsod ng hangarin na hindi mapahamak, natural sa sikolohiya ng tao na hindi umalis sa kanyang sona ng ginhawa na binubuo ng mga paraang kabisado at kilala niya. Ngunit sa pananatili sa sonang ito, walang progreso at kaunlarang magaganap. At kung mayroon man, ito ay kapiranggot at hindi makapaghahatid ng malawakang pag-angat sa tindig sa lipunan. Kung hindi tayo maglulubay sa pagsusumikap sa pagtatatag ng sistema ng edukasyong nakabatay sa MTBMLE, magiging bagong sonang ginahawa ang inklusibong edukasyon nawalang diskriminasyon sa wika at nirerespeto ang dangal ng bata.

Ang pagbabago ng sistema ay maaaring magresulta ng paglaho ng ilang mabuting bagay, pero maaari din itong magresulta ng di hamak na mas mainam na bagay. Dapat magkumahog ang DepEd sa paggastos ng pondo para mapabilis ang proseso ng pagbabagosa ilalim ng MTBMLE. Sabi nga ni Voltaire, “Walang problemang di guguho sa walang lubay na pag-atake ng pag-iisip.”

Ang HB 6717 ay nagbabanta na suspindihin ang paggamit ng mother tongue bilang wikang pangturo. Para itong kantiyaw ni Sanballat at Tobiah kay Nehemiah. Binabangga din ng HB 6717 ang bagong Education Commission 2 naitinatag ng RA 11899 (na naging batas noongHulyo 23, 2022) na may mandatong tasahin at suriin ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon at magbalangkas ng Education Roadmap na may malinaw na mgasukatan ng pagtupad upang matugunan ang krisis sa pagkatuto.

Pagkatandaan natin na ang hindi maaaring gawin ng direkta o lantaran, ay hindi rin maaaring gawin nang hindi direkta o patalikod. Sa katunayan.

AUTHOR PROFILE