Inton

MRT wala sa hulog sa taas-pasahe–LCSP

July 4, 2023 Jun I. Legaspi 389 views

WALA sa panahon ang taas-pasahe sa Metro Rail Transit 3 (MRT 3), ayon sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ayon kay LCSP founding chairman Atty. Ariel Inton, malinaw na “kalbaryo” para sa mga pasahero lalo’t maliliit pa naman ang karamihan sa nagko-commute na manggagawa at mga estudyante kung maaprubahan ang dagdag pasahe.

Iginiit ni Inton na hindi dapat ikatwiran na matagal nang hindi naipapatupad ang taas pasahe sa tren dahil kailangang isaalang-alang din ang economic status ng mamamayan.

Isa pa wala namang ganoong improvement sa serbisyo sa MRT.

Pinunto rin ni Inton na may P2 bilyon pang subsidy sa EDSA Caurosel ang hindi pa nagagamit.

Maari mag appropriate ng dagdag subsidiya, ayon sa kanya.

“Mass transport is not a business venture. It should be public service that the government should provide,” ayon sa kanya.

Mariin ang pananawagan ng LCSP kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isantabi muna ang anumang balak na pagtaas ng pasahe sa MRT3 at ikonsidera na lamang ang pagdagdag ng subsidiya para hindi na ito ipasa pa sa mga commuter ng tren.

AUTHOR PROFILE