Unitywalk Pinangunahan ni MPD Director PBGen. Leo “Paco” Francisco ang isang “Unity Walk” kasama ang Armed Forces of the Philippines, Commission on Elections, mga pari, pastor, at mga Muslim imam sa kahabaan ng P. Burgos sa Luneta Granstand para sa mapayapang halalan. Kuha ni Jon-Jon Reyes

MPD naglunsad ng ‘Unity Walk’, Kasimbayan

March 17, 2022 Jonjon Reyes 366 views

NAGSAGAWA ng “unity walk” ang pamunuan ng Manila Police District (MPD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Elections (Comelec) kasama ang mga pari at Muslim imam sa kahabaan ng Padre Burgos sa Luneta Granstand patungong Rizal Park sa Luneta para sa mapayapang halalan sa lungsod ng Maynila, Huwebes ng umaga.

Pinangunahan nina MPD Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco, Col. Rommel Recinto ng Joint Task Force NCR (National Capital Region), Capt. Larry Cendaña ng PCG (Philippine Coast Guard), Atty. Gregorio Bonifacio – Election Officer, kabilang din ang mga MPD PNP Station commanders, Comelec, PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) kasama ang iba pang religious at community leaders.

Kabilang din sa mga lumahok at naglakad mula Luneta Granstand ang mga represante ng PDP-Laban, Partido Demokratiko Reforma, People’s Reform, Partido Federal Pilipinas, Kabaka, Asenso Manilenyo, at ibang independent.

Nagsagawa din ng maikling programa at nagbigay mensahe si PBGen. Francisco kaugnay sa nalalapit na halalan na aniya ang mga kapulisan ng Maynila at AFP, mga kaparian at muslim ay wala silang kakampihan o bibigyan ng pabor ang mga kandidato – kung sakali sila ay may mga reklamo laban sa magkabilang partido ay maaari silang dumulog sa kanyang opisina na bukas 24/7.

Nagkaroon din ng lagdaan ang bawat kalahok kasama ang mga kapulisan at iba pang mga kalahok sa isang “Peace Covenant Secure and Fair Election” kasabay ng panunumpa ng bawat partido.

Pinangunahan din ni Francisco ang pagpapalipad ng mga kalapati bilang hudyat sa isinagawang unity walk, interfaith rally, peace covenant at paglunsad ng “Kasimbayan” (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) na ginanap sa open air Rizal Park, Ermita Maynila. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE