
MPD may libreng sakay sa tigil-pasada
NAKAHANDA ang Manila Police District (MPD) sakaling mahirapang sumakay ang mga commuters ngayong Lunes dahil sa nakaambang tigil-pasada.
Tiniyak ni MPD Chief PBGen. Andre Dizon na may libreng sakay para sa mga pasahero para matulungan silang makapunta at makabalik sa kanilang mga paroroonan.
Kabilang sa mga kalye na dadaanan ng libreng sakay ang Taft Avenue, Pedro Gil, Padre Faura, Mabini, Rizal Avenue patungong Monumento at maging ang kahabaan ng Quezon Blvd.,Sta. Cruz, papuntang Quezon City, San Juan, Mandaluyong at Makati
Kasama din ang Binondo, Pier sa Port Area, Tondo at Divisoria na papunta ng Navotas, Malabon at Caloocan.
Magsasagawa rin ng bike patrol sa umaga at motorcycle unit sa gabi ang mga pulis para maiwasan ang mga kriminal sa lansangan.
Ipapatupad ang libreng sakay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.