Alerto

Mga scam sa ’Pinas tampok sa ‘Budol Alert’

March 14, 2024 Ian F. Fariñas 120 views

Laganap na ang isyu ng panloloko o ‘scams’ sa buong mundo. Halos $10.1 bilyon ang nawala sa US noong 2022, habang sa Pilipinas ay mahigit P1 bilyon ang ninakaw ng mga scammer.

Noong 2023, tinaguriang panlima sa global scamming ang Pilipinas.

Upang mapigilan ang paglaki ng ilegal na industriyang ito, hinahatid ng TV5 ang Budol Alert, isang news at public affairs show na nakatuon sa iba’t ibang tactics at scam ng mga scammer sa Pilipinas. Ang programang ay may tagline na “Maging Alerto, Huwag Magpabudol” kung saan pinapaalalahanan ang mga Pilipino na maging alerto sa iba’t ibang uri ng scamming tulad ng phishing, smishing at online shopping scams.

Pinangungunahan ni Luchi Cruz-Valdes, ipinakikilala ng Budol Alert ang komprehensibong pagkuha ng balita at pagkukuwento mula sa mga miyembro ng News5 na sina Gio Robles, Shyla Francisco, Reiniel Pawid, Dave Abuel, Briane Basa, Jes Delos Santos at Nikki De Guzman.

Kasama rin sa programa ang mga ulat ng mga beterano ng News5 na sina Mon Gualvez, MaeAnne Los Banos at Marianne Enriquez.

“With our new breed and award-winning pool of correspondents presenting eye-opening stories in each episode of Budol Alert, we help empower Filipinos with the right knowledge so that they are well-informed and protected from different kinds of frauds and scams, whether physical or online. This is our commitment, and we vow to dig deeper and make Filipinos smarter than these scammers,” sabi ng News5 chief at Budol Alert main host na si Luchi.

Panoorin ito sa TV5 tuwing Linggo, simula Marso 17, 4:30 p.m.

AUTHOR PROFILE