Martin

Mga mangingisda sa WPS, protektahan — Speaker Romualdez

June 17, 2024 People's Tonight 85 views

MULING nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philipline Sea ng mga Filipino fishermen.

Ginawa ng lider ng Kongreso ang panawagan sa Navy at Coast Guard noong Sabado kung saan sinabi ng China na huhulihin na nila ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo simula sa Hunyo 15.

“Gawin sana ng ating Navy at Coast Guard natin ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin,” ani Speaker Romualdez.

Matatandaang inaangkin ng China ang WPS dahil ito raw ay bahagi rin ng South China Sea.

“Hindi tayo papayag na basta na lang huhulihin nila ang mga kababayan natin na naghahanap-buhay lang sa karagatan ng ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez.

Sanib-puwersa ngayon ang Navy at Coast Guard sa pagbabantay ng WPS mula Zambales hanggang may Palawan.

“We cannot afford to lose even just one fisherman to them who is simply making a living in our own waters,” ani Romualdez.

“Definitely, hindi tayo sang-ayon sa kautusan na yan ng China lalo na yung pagbabawal sa lahat ng mangingisda dahil sa pinaiiral nila na fishing ban daw diyan sa WPS,” pahabol pa ni Romualdez.

AUTHOR PROFILE