Isko Pormal na hinarap ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno si Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko. Kuha ni JON-JON REYES

Mga ambassador dumagsa sa Maynila, nagbigay suporta kay Isko

September 29, 2021 Francis Naguit 388 views

PORMAL na tinanggap ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang mga tulong mula sa mga ambassador sa Iba’t ibang bansa.

Unang tinanggap ni Mayor Isko ang 10 oxygen concentrators at 300 PPEs para sa mga medical frontliners ng Sta Ana Hospital mula kay Thailand Ambassador Vasin Ruangprateepsaeng at SCG Country Director Mr. Jakkrit Suwansilp (Mariwasa).

“Malaking tulong po ito. Salamat po sa inyong pagbisita at sa inyong kabutihang loob,” ani Isko.

Pormal ding hinarap ni Mayor isko ang ambassador ng Japan sa Pilipinas na si Koshikawa Kazuhiko matapos namang dumalaw ito sa Lungsod ng Maynila.

“Napag-usapan po namin ang ating ginagawang vaccination effort at kung paano pa po natin pagtitibayin ang ating relasyon sa Japan. Thank you, His Excellency, Japanese Amb. Koshikawa Kazuhiko for visiting the City of Manila,” ani Moreno.

Kabilang din sa mga bumisita sa Lungsod ng Maynila at Moreno si United States Chargé d’Affaires Heather Variaba.

Ipinahayag ni Moreno ang kanyang hangarin na palakasin ang relasyon sa dagat sa bansa sa US kung sakaling manalo siya bilang pangulo ng Pilipinas.

“Nais kong protektahan ang aking bansa, ang interes ng ating mga kababayan, at ihanda ito para sa anumang darating. Sa tulong ng iyong puwersa, mapapalakas namin ang aming mga panlaban sa dagat dito sa Pilipinas,” dagdag ni Moreno.

Si Variaba ang kauna-unahang foreign envoy na bumisita kay Moreno matapos itong magpahayag ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa May 2022 elections. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE