Hontiveros

Mayor Guo ginisa sa Senado

May 22, 2024 PS Jun M. Sarmiento 117 views

KINASTIGO ng husto ng mga senador si Tarlac, Bamban Mayor Alice Guo dahil sa buhol buhol nitong pahayag at diumano’y scripted na mga sagot nito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumuan ni Sen. Risa Hontiveros.

Nagkakaisa ang mga senador sa pagsabing nakaka-alarma ang posibilidad na napasok na ng sindikato ang mga sangay ng ating gobyerno kung saan ay nakakakuha sila ng mga identification tulad ng SSS, passport, at marami pang iba dahil sa pagbibigay ng mga sindikato sa kanila ng totong birth certificate na dinoktor at pinalabas na sila ay mga tunay Pilipino ngunit mga dayuhan ang mga ito.

Ayon kay Hontiveros, buking na umano niya si Guo sa hindi magkakasalubong na pahayag nito.

Nang tinanong ni Hontiveros ang kanyang biological na ina ay sinabi ni Guo na hindi niya ito nakita kelan man at noong ipinanganak aniya siya ay sabay din na nawala ang kanyang nanay.

Ngunit naipakita ni Hontiveros na mayroon pa siyang dalawang kapatid na mas nakababata ang edad sa kanya na ang pangalan ay sina Siemen Leal Guo, born August 1, 1988 and Shiela Leal Guo, born January 12, 1984.

“Papaano po kayo magsasabing iniwanan kayo ng nanay nio pagkapanganak at hindi ninyo na nakita ang nanay niyo na kasambahay tapos nagkaroon pa kayo ng mga kapatid nuong 1988 gayundi ng 1984. Tatlo kayo. May kasunod kang mga kapatid pa at sinasabi dito sa birth certificate ng mga kapatid ninyo na kasal ang mga magulang ninyo. Nakalagay na Filipino citizens ang Papa mo na si Angelito at Mama mo na si Amelia Leal. Pero sabi ng PSA ay wala silang marriage certificate at lumalabas wala rin silang marriage certs. At bakit kaya lahat kayong magkakapatid ibat iba ang date ng marriage ng iisang nanay at tatay ninyo? Sa birth cert ninyo ay Oct. 14, 1982 and iba sa kanila? tanong ni Hontiveros kay Guo sa gitna ng pagdinig.

Inamin din ni Mayora na Chinese national nga ang kanyang tatay mula sa Fujian ngunit hindi niya alam kung nasaan na aniya ang Pilipinang nanay.

” Nuong 2005 po nuong 19 yrs old na ako. Hinanap ko sa tatay ko ang mga papers ko kasi kukuha ako ng drivers license. Ang alam ko lang kung ano sinabi ng tatay ko na biological mother ko. AngTatay ko may ibang partner. hindi ko alam kung may kapatid ako sa iba. Tatlong kasama ng tatay ko. at meron na siyang mga kapatid” ani Guo na taliwas sa naunang pahayag na mag isa lamang siyang anak.

Dito napilitan si Hontiveros pagpaliwanagin siya kung bakit ang kanyang mga kapatid ay late registration din at kung totoong mag-isa siyang anak sa kanyang biological nanay na biglang nawala matapos siyang ipanganak ay bakit aniya parehong nanay at tatay din ang mayroon sina Sheila at Siemen, ngunit magkakaiba ang petsa ng kasal ng iisang magulang na deklardo nila pare pareho.

“Hindi po ako nag-prepare ng birth certificate nila. Tatay ko nag confirm na may mga kapatid ako at kasambahay namin ang Nanay ko. Hindi ko po namin yan pinag uusapan sa bahay namin. Ayaw ko po masaktan tatay ko. As much as possible ayokong sumagot ng hindi ko alam.

Pero wala akong alam sa kanila”ani Guo.

Inilabas ni Hontiveros ang travel record document nila ng kapatid na si Sheila kung saan ipinakitang apat na beses silang lumabas ng bansa sa iba’t ibang lugar tulad ng Osaka Japan, Singapore, Thailand, at Taipei. Dito ay tahasang tinanong si Go ni Hontivers, ” Akala ko po hindi ninyo kilala mga kapatid ninyo. bakit may travel record document kayo na magkasama? Lumabas din po na kasama ninyo sila sa ibang mga negosyo ninyo?”

May halong pagka-pikon naman na nagsalita si Sen. Raffy Tulfo na naghamon pa kay Guo na sumailalim sa lie detector test.

Base sa napag alaman, si Guo, ayon sa kanyang isinumiteng dokumento ay ipinanganak nuong 2015 at 19 na ang edad nuong naparehistro ang kanyang birth certificate. Wala umano siyang hospital record dahil sa siya ay iniluwal sa kanilang bahay sa tulong ng “hilot/komadrona”. Kasambahay ang kanyang nanay at ang tunay na pangalan ng kanyang ama ay si Jian Zhong Guo , na nagtataglay ng isang Chinese passport. Lumaki siya sa farm at hindi pumasok sa anuman eskwelahan kundi tutorial lamang ng isang teacher na tinawag niyang”Teacher Rubylyn.”

Base sa balita, bigla na lamang lumabas ang kanyang pangalan nuon 2022 elections bilang isang independent candidate. Niliwanag niya sa komite na siya ay inindorso ng dating mayor ng Bamban sa kanyang pagtakbo dito bilang isang successor.

Nang tanungin ni Hontiveros kung kilala niya ang isang nagangalan na Nancy Gamo na umanoy nagpapatakbo ng isang kumpanya ng Pogo, mariin niya itong itinanggi ngunit maya maya ay binawi at sinabing kilala niya na si Nancy at ito aniya ay siyang taga-ayos ng kanilang mga papeles.

Sa pagtatanong naman ni Sen Jose Jinggoy Estrada sinabi nito kung meron siyang naging kinakasama, asawa o kasintahan na mariin naman na itinanggi ng mayora.

Sinabi ni Estrada na may mga ugong na ang isang mayor aniya ng Pangasinan ang siyang nagpapatakbo ng operasyon ng POGO ni Guo at ito rin ay kilalang boyfriend ng mayora.

“That mayor in Pangasinan is the one managing your POGO business,”ani Estrada na pinabulaanan naman ni Guo kung saan ay paulit ulit din niyang sinabi na kelan man ay hindi siya nasangkot sa anumang operasyon ng POGO.

Nagkakasia ang mga senador sa gitna ng pagdinig na dapat lamang imbitahin ang mga sumusunod: ang kanyang ama na si Angelito Guo, ang midwife, ang PSA officer na siyang nag proseso ng kaniyang late registration pati na rin ng kanyang mga kapatid, Barangay Chairman sa kanilang lugar, ang dating mayor na si Mayor Feliciano ng Bamban na umano’y nag endorso sa kanya at ang mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue, mga suki niya sa kanyang negosyo sa pagbababoy sa Clark Pampanga gayundin ng lahat ng kanyang mga tauhan at mga opisyales ng Anti-Money Laundering Council.

Para naman kay Sen. Loren Legarda mataas ang posibilidad na may matinding kasabwat ang mga ito sa mga sangay ng ating gobyerno kung kayat malaya silang nakakakuha ng mga papeles tulad ng birth certificate na ipinagkakaloob sa mga dayuhan kapalit ng malaking halaga.

Sa pagdinig, hayagan na sinabi ni Legarda kay Guo na hindi siya kumbinsido sa mga pahayag nito lalot hindi aniya makapag kwento ito sa natural na pamamaraan kung paano siya lumaki at ano ang istorya ng kanyang pagkabata na hindi normal aniya sa isang tao.

“Kasi parang scripted mga sinasabi mo. Parang memoryado mo. Parang kino coach ka ng lawyer mo ” ani Legarda.

Gayunman, pinilit pa rin ni Legarda na bigyan ito ng oportunidad na magpaliwanag sa salitang komportable siya ngunit giniit pa rin ng Mayora na mas sanay siyang magtagalog ngunit hindi makapag salita ng dialektong Kapampangan kahit sinasabi niyang dito na siya ipinanganak at lumaki simulat sapul.

“Huwag tayong robot. Mukhang aaralin mo pa. I will ask more questions in the next hearing.” ani Legarda na nagpahayag ng pagkadismaya at sinabing isang nakalulungkot na bagay na ang ilan sa mga banyaga na nakakakuha ng mahahalagang papelese at ginagamit ito para magpanggap na PIlipino, nagkakaroon ng pribilehiyo sa ating gobyerno.

“It would break my heart if there is a foreigner who is pretending to be Filipinos because that is national security risk,”ani Legarda.

Kinondena rin ni Legarda ang mga nasa likod ng pagbibigay ng mga birth certificate sa umanoy mga pekeng Pilipino sa pakikipagtulungan ng ilang kawani ng PSA officials at local civil registrars kapalit ang pera.

“Nakakatakot isipin na napasok na tayo ng mga nagpapanggap ng Pilipino na gamot ang ating mga SSS, Passport, at iba pang mga ID sa gobyerno, nakabili ng ating mga lupain at later on ay tatakbo pa sa mga posisyon sa gobyerno. Lahat ng pribilehiyo na pwedeng pagsamantalahan ng mga ito,” giit ni Legarda.

Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian aminado siyang may umuugong na “Filipino citizenship for sale” na dapat aniyang masawata sa lalong madaling panahon na may ugnayan sa mga sindikato sa loob ng gobyerno. Gayundin nais niyang ipatawag ang kawani ng PSA na si Relisa Ocampo na siya umanong nag ayos ng lahat ng mga papeles nina Guo at mga kapatid nito.

Inilahad naman ni PSA official, Atty. Elizer Ambatali na mayroon na silang masusing imbestigasyon sa nagaganap ng pagbebenta ng birth certificate at kinumpirma rin niya na marami nga sa mga ito ay mga Tsino na kung minsan aniya ay gumagamit pa ng pangalan ng mga patay na hindi na nila kontrolado kung ito ay magmumula sa local na civil registrar ng isang lungsod o municipalidad.

Sinasabing mayroon 800 na kwestionableng mga aplikante sa ibang ibang lugar sa bansa na kanilang ni re review sa kasalukuyan at ito umano ay posibleng may kinalaman din sa tinatawag na identity theft na gumamit ng ating mga dokumento legal at itinuturin na malaking banta sa ating seguridad.