Default Thumbnail

May bangkay sa ilalim ng tulay

November 2, 2023 Jojo C. Magsombol 279 views

HALOS agnas at na umaalingasaw ang bangkay ng isang lalake nang matagpuan kamakailan sa ilalim ng tulay sa Bgy. 9A, Lipa City, Batangas.

Ayon sa Lipa City police, bangkay ni alyas Manong ang natagpuan. Palaboy-laboy at nakatira sa kalye ang lalaki noong nabubuhay pa, ayon sa mga pulis.

Nakita ang bangkay bandang alas-11:00 ng umaga.

Nadiskubre ang bangkay nang makatanggap ng impormasyon ang Lipa City Police Station mula sa mga concerned citizens na isang bangkay ang natagpuan sa ilalim ng tulay ng Sabang sa nasabing barangay.

Ayon kay Ronald Castillo, 29, ng Masagana Subdivision, iihi sana siya sa ilalim ng tulay nang makaamoy siya ng masangsang na amoy.

Nang hanapin kung saan nanggagaling ang amoy, nakita niya ang bangkay na nakahandusay sa damuhan na halos puno ng uod.

Agad inireport ni Castillo sa mga mga otoridad ang naturang insidente.

AUTHOR PROFILE