Matagumpay na bakunahan sa Ilocos Sur pinuri

March 23, 2022 People's Tonight 111 views

ANG pagsisikap sa pagbabakuna laban sa COVID-19 na nagsimula noong 2021 ay nagbigay daan para bumalik sa “new normal” ang pamumuhay para sa maraming Pilipino.

At habang ang lahat ay maaari pang mabakunahan, lumikha ang pamahalaang nasyunal ng isang sistema na prayoridad para tugunan ang mga taong may pinakapeligresong dapuan ng mga sakit.

Ang A2 category ay kinabibilangan ng lahat ng senior citizens at ikalawa lamang para sa mga frontline health workers na prayoridad.

Dahil sa kanilang edad at iba pang isyung pangkalusugan, kinakailangan ng mga senior citizens ang mabakunahan dahil ang kanilang mahinang immune system ay nagiging mas madaling kapitan ng virus at ang mga nakamamatay na epekto nito.

Kamakailan lang tinanghal ang Ilocos Sur bilang isa sa “Top Performing Local Government Units” sa katatapos na National Vaccination Day sa ilalim ng A2 Doses Accomplishment category.

Ang parangal ay iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng National COVID-19 Task Force at iba pang pambansang ahensya.

Malugod na tinanggap ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson ang papuri, at sinabing hindi magiging posible ang tagumpay ng rehiyon kung hindi dahil sa pagsisikap ng lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang lungsod at munisipalidad ng rehiyon.

“We all worked in close coordination with health officials and other government agencies to ensure that we would be able to efficiently distribute the vaccines to our constituents. This was possible because we believed in the seriousness and the urgency of vaccination as one of the best measures to combat COVID-19,” pahayag ng gobernador. Ni Robbie Pangilinan

AUTHOR PROFILE