Scan1

Manila Water App available na sa mga iOs users

July 14, 2022 People's Tonight 399 views

INANUNSYO ng Manila Water na maaari na ngayong mag-download ng Manila Water App ang kanilang mga customers sa pamamagitan ng iOS at Android smartphones para ma-access ang kanilang mga bill at magbayad online anumang oras kahit saan.

Hinikayat ni Manila Water Corporate Communication Affairs Group Head Jeric Sevilla Jr. ang mga customers sa East Zone ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal na gamitin ang pinakabagong mobile application ng kumpanya – ang Manila Water App – upang malaman ang kanilang kasalukuyang bill at natitirang balance gayundin ang makapagbayad ng mga bills online sa halip na pumunta pa sa iba’t ibang payment centers.

“Mananatiling pangunahing prayoridad namin ang kaligtasan ng aming mga customers sa kabila ng patuloy na tumataas ng mga kaso ng COVID-19. Hinihikayat namin silang gamitin ang online na transaksyon sa pamamagitan ng aming Manila Water App. Maaari nang ma-download ang one-stop-shop application sa Android at iOs smartphones o sa pamamagitan ng Manila Water website https://www.manilawater.com/customer/manila-water-app,” paliwanag ni Sevilla.

Ayon kay Sevilla, bukod sa pag-access at pagbabayad ng kanilang mga bills anytime anywhere, ang mga customers ay maaari ring madaling dumulog ng kanilang mga concerns at katanungan sa pamamagitan ng bagong mobile application nang hindi kinakailangan pang tumawag sa Consumer Desk Hotline 1627 ng kumpanya o bumisita sa mga business offices. Tiniyak ng kumpanya na lahat ng Android at iOs users ay maaaring mag-download ng app at maisasagawa ang lahat ng pangunahing transaksyon sa Manila Water gayundin ang pagtanggap ng mga notification ukol sa mga service advisories, news at updates mula sa kumpanya.

“Ang paglikha ng Manila Water App ay bahagi ng aming pagsisikap na i-upgrade at pagbutihin pa ang aming mga serbisyo upang makasabay sa kasalukuyang panahon. Dahil na rin sa convenience ng paggamit nito at madaling pag-access at pagkakaroon ng app na ito sa inyong iOs at Android phones, para ka na ring may personal na Manila Water partner at your fingertips,” ani ni Sevilla.

Scan2Paano i-download ang Manila Water App?

1. Sa inyong Android, iOs phone o kaya naman tablet, buksan ang built-in camera app.
2. Itutok ang camera sa QR code.
3. I-tap ang banner na lalabas at makikita sa Android phone, iOs o tablet.
4. Sundin lamang ang instructions sa screen upang makapag-sign in nang tuluyan.

AUTHOR PROFILE