Derrick

Manager, humadlang sa panliligaw ni Derrick sa female star

November 13, 2021 People's Tonight 284 views

GIRLFRIEND na lang ang kulang ngayon sa Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.

Eh, may diniskartehan si Derrick noon na young female star. Pero binawalan siya ng manager ng isang young actor noon dahil ang babae at lalaki ay bini-build up noong loveteam.

Pero ngayon, tahimik na ang career ng niligawan niya at lalaking inireto dit bilang loveteam.

Mas abala pa sa trabaho sa kanila si Derrick.

Ngayong December, pupunta sa abroad si Derrick para sa kasal ng ina. Doon siya magpa-Pasko at magba-Bagong Taon.

Sa virtual mediacon ng Kapuso hunk para sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na Oh My Oppa, nabanggit ni Derrrick na may kakatagpuain din siyang babae sa abroad.

“Abangan na lang ninyo ang posts ko sa social media para makita ninyo kung sino siya,” saad ni Derrick.

Anyway, sa episodes ng DKNLK, makakasama ni Derrick sina Sanya Lopez at Gil Cuerva.

Malay ninyo, pagbalik dito ni Derrick, hindi na siya tigang sa girlfriend, huh!

BOOK 2, IHINIHIRIT

SUMISIGAW ang netizens na magkaroon ng Book 2 ang Kapuso series na Legal Wives na nagwakas na kahapon.

Eh, isang show raw ito na kinapupulutan na nila ng aral, very entertaining and educational pa.

“GMA lang ang nangahas na ma-produce ng ganitong klase ng series,” sey ng ilang netizens. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE