Reclamation Ang protesta na pinangunahan ng Samahang “Pwersa (Peoples and Reform for Social Advancement) ni Ka Job Valenzuela ng Acacia Malabon.

MALABON, NAVOTAS RECLAMATION ITIGIL

March 8, 2023 People's Tonight 501 views

NAG-RALLY ang mga residente ng 21 barangay sa Malabon sa Hulong Duhat, Plaza Malabon Miyerkules ng umaga.

Ang protesta ay pinangunahan ng Samahang “Pwersa (Peoples and Reform for Social Advancement) ni Ka Job Valenzuela ng Acacia Malabon.

Kanilang tinututulan ang pagtambak sa karagatan ng Manila Bay dahil kapag nagkataon ay lulubog ang 21 barangay sa Malabon, Navotas at karatig na syudad na tatamaan ng reclamation.

Ilang parte narin umano sa bahagi ng Navotas ang natambakan na habang nasa tapat na halos ng Dampalit at Hulong Duhat ang dulo nito.

Wala na umanong madaluyan ang tubig mula sa kabundukan at bahagi ng Quezon City patungo ng Manila bay dahil sa tinatambakang reklamasyon.

Umapela rin ang mga nagprotesta na pigilan ang pagtambak ng umano’y mga negosyanteng nasa likod ng reclamation dahil ang yamang dagat na ipinamana ng kanilang mga ninuno ay ipapamana pa sa sunod na henerasyon kaya hindi umano dapat wasakin.

Samantala,nangako si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na makikipagdalayogo ito sa grupo ng mga nag-rally upang alamin ang kanilang suliranin at makagawa ng mga hakbang para sila ay matulungan.

“Narinig natin sila. Ramdam natin ang pagpapahayag nila ng kanilang damdamin sa isyu na ito”, pahayag ni Mayor Sandoval.

AUTHOR PROFILE