Default Thumbnail

‘Maingay’ na lalaki dedo sa tarak ng kapitbahay

July 25, 2022 Jonjon Reyes 412 views

IDINEKLARANG “dead on arrival” ang isang 55-anyos na lalaki matapos tarakan ng saksak sa dibdib ng nakaalitang kapitbahay dahil sa umano’y “ingay” nito, Linggo ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Cesar Teodanco 55, binate, ng Tambacan, Baseco Compound Port Area.

Nasakote naman ang suspek, kapitbahay ng biktima, matapos ang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng MPD Station 13.

Batay sa ulat ni Borbe, pasado 11:00 ng gabi nang maganap ang krimen at ayon sa isang saksi, na kapatid ng biktima, sinaksak ng suspek ang kanyang kapatid ng patalim na halos 10 pulgada ang haba.

Matapos ang insidente, mabilis umeskapo ang suspek, kasabay naman ng tulong-tulong na pagdala sa biktima sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit binawian na ng buhay ayon sa attending physician na si Dr. Raquel Koon.

Agad namang naaresto ang suspek habang papatakas at itinurn over sa tanggapan ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section Headquarters matapos ang medical checkup nito.

AUTHOR PROFILE