Maine

Maine, tahimik na nag-celebrate ng anibersaryo

July 5, 2021 People's Tonight 400 views

TAHIMIK lang ang ikaanim na taon ni Maine Medoza sa showbiz kahapon. Naging masipag naman ang kanyang fans na mag-trend sa Twitter ang hashtag na #MaineMendoza.

Ginantihan naman ni Meng ng tweet ang kanyang avid fans na patuloy pa ring pagsuportado sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“6th year today. Ang bilis talaga. Ang dami na ding nangyari at wala na akong mahihiling pa.

“Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal. Mahal ko kayo,” tweet ni Meng.

TWBUFans, sabik sa balikang Alden-Jasmine

FULL-blast talaga ang promotions ng bagong series ni Alden Richards na The World Between Us na nagsimula kahapon.

Laman ang series sa halos lahat ng dyaryo, GMA shows at social media. Pati bigating stars ng GMA, eh, may plug na pinu-promote ang series.

Pati ang hashtag na #AldenRichards, eh, pinag-trend sa Twitter, huh!

Sabik na sabik na ang netizens na mapanood ang balik-tambalan nila ni Jasmine Curtis-Smith at makilala ang characters nila sa series. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE