Dizon Pinapakinggan ni MPD Chief Andre P. Dizon (kanan) sina P/Lt. Col.Ramon Czar Solas ng Station 3 at Plaza Miranda PCP commander P/Capt. Rowell Robles, kaugnay ng preparasyon sa nalalapit na Piyesta ng Itim na Nazareno at sa seguridad. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mahigpit na seguridad inihanda sa Pista ng Itim na Nazareno

January 2, 2023 Jonjon Reyes 1201 views

MARIIN ang naging direktiba ni Police Brigadier General Andre P. Dizon, director ng Manila Police District (MPD) sa kanyang mga tauhan nito ang seguridad sa mga mananamplataya at deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Lungsod ng Maynila sa darating na Enero 9, 2023.

Ilang araw bago pa man sumapit ang kapistahan ng Itim na Nazareno, nakaalerto na ang mga nakakasakop na presinto sa Quiapo kabilang ang MPD Station 3 sa pangunguna ni Police Lieutenant Col. Ramon Czar Solas, kasama ang Barbosa Police Station 14 sa pangunguna na rin ni P/Lt. Col. Roberto Mupaz maging ang mga PCP (Police Community Precinct) sa Plaza Miranda sa pamumuno ni P/Capt. Rowell Robles at Carlos PCP sa pamumuno din ni P/Capt. Fredwin Sernio.

Nakaantabay naman ang puwersa ng Sta. Mesa Police Station (PS) 8 sa pangunguna rin ni P/Lt. Col. Dionnelle Brannon sa mga maaaring dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Inabisuhan din ng hepe ng MPD ang iba pang station commander na makipagtulungan o “joint force” sa tatlong istasyon na sumasakop sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa gaganapin na “Traslasion.”

Nauna nang nagpulong-pulong ang kura paroko ng simbahan ng Quiapo, ang mga magpapatupad ng prusisyon sa andas at ang mga kapulisan, kabilang si Dizon, mga staff nito at ang 14 na station commanders.

Layunin ng heneral na maging maayos at mapayapa at higpitan ang seguridad sa mga nakakasakop sa piyesta ng Quiapo.

Mahigpit din ipinababawal ang pag-inom sa mga kalye sa Quiapo at nagpatupad na rin ng clearing operation sa nasabing paligid ng simbahan.

“Isang linggo ang preperasyon na ginawa namin, kaya plantsado na ang seguridad sa paligid loob man at labas na daraanan ng andas,” pahayag ng heneral.

Nabatid pa sa ulat na magdagdag pa ng mga kapulisan mula sa NCRPO sa ilalim ni P/Maj. Gen. Jonnel Estomo na siyang NCRPO (National Capital Region Police Office) chief at lagi nitong ipipaalala sa kapulisan ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions for Police Officers.”

AUTHOR PROFILE