Default Thumbnail

Mahigit 70k trabaho, alok sa Araw ng Paggawa

April 26, 2023 People's Tonight 400 views

INAANYAYAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho sa buong bansa para sa libu-libong mga oportunidad sa trabaho sa gaganaping pagdiriwang ng ika-121 taon ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

May paunang 73,779 bakanteng trabaho ang nakahanda sa face-to-face job fairs na lalahukan ng 808 employer sa 42 job fair sites sa buong bansa.

Kabilang sa mga nangungunang industriya ay ang BPO, manufacturing, financial and insurance activities, manpower services, at sales and marketing.

Ang mga pangunahing bakanteng trabaho ay para sa customer service representative, production worker/operator, financial consultant, service crew, at sales agent o sales clerk.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga bakanteng trabaho sa mga susunod na araw, pahayag ng DOLE.

Ang pangunahing job fair site ay sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex sa Pasay City, kung saan mahigit 12,000 trabaho ang iaalok ng 125 employer sa Abril 30.

Ang iba pang job fair site sa Luzon ay ang mga sumusunod

National Capital Region – SM Grand Central (Caloocan City); QC Quadrangle (Quezon City); SM BF Parañaque (Parañaque City); SM Sucat (Parañaque City); SM Southmall (Las Piñas); Robinsons Place Las Piñas; Vista Mall Taguig; SM City Marikina (Marikina City); San Andres Gym (City of Manila)

Cordillera Administrative Region – SM Baguio; Baguio Convention Center

Ilocos Region – Provincial Livelihood Development Center, Vigan, Ilocos Sur; PESO Multipurpose Hall, Lingayen, Pangasinan; Orbos Gym, Sta. Barbara, Pangasinan; Magic Mall, Urdaneta City, Pangasinan

Cagayan Valley Region – SM City Tuguegarao; Robinsons Place Santiago; Reina Mercedes Municipal Court, Mercedes, Isabela; Northstar Mall, Ilagan City, Isabela; Bambang Sports Complex, Bambang, Nueva Vizcaya

Central Luzon – SM City Marilao, Bulacan; SM City Cabanatuan, Nueva Ecija; SM City Pampanga, City of San Fernando Pampanga; SM City Olongapo Central; SM City San Jose Del Monte

CALABARZON – Ynares Center, Antipolo City, Rizal

MIMAROPA – City Mall, Calapan City, Oriental Mindoro

Bicol Region – Ayala Malls Legazpi

Samantala, ang mga sumusunod naman na job fair site ay para sa mga naghahanap ng trabaho sa Visayas:

Western Visayas – Robinsons Iloilo

Central Visayas – Robinsons Galleria Cebu; Lamberto Macias Sports Complex, Dumaguete City, Negros Oriental

Eastern Visayas – Tacloban Convention Center

Sa Mindanao, ang mga job fair site ay sa mga sumusunod na rehiyon:

Zamboanga Peninsula – KCC Mall de Zamboanga

Northern Mindanao – SM CDO Downtown Premier

Davao Region – SM City Davao; Provincial Capitol Gymnasium of Davao Oriental, Mati City, Davao Oriental

SOCCSKSARGEN – Kidapawan City Gymnasium, Kidapawan City

Caraga – Almont Inland Hotel, Butuan

Magsasagawa din ng post-Labor Day job fair sa People’s Center, Balanga City, Bataan at Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos City, Bulacan sa Mayo 3; at sa 3rd Level Alabang Public Market sa Mayo 5.

Hinihikayat ng Kagawaran ng Paggawa ang mga naghahanap ng trabaho na maging handa sa mga sumusunod na kinakailangang dokumento para sa kanilang aplikasyon: resume o curriculum vitae, certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho, diploma, at transcript of records.

Ang Araw ng Paggawa ngayong taon ay may temang, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.”

AUTHOR PROFILE