Default Thumbnail

Magkapitbahay timbog sa Sta Mesa drug bust

August 22, 2022 Jonjon Reyes 343 views

ISANG dating barangay kagawad ang naaresto at narekober ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu at baril sa buy-bust na isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa Sta.Mesa Manila, madaling araw ng Sabado.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Ryan Gonzales, 40, binata, dating kagawad sa Brgy. 699, Zone 76, sa Sta. Mesa.

Sabit din sa bentahan ng droga si Rodolfo Paras, 61 may asawa , jobless ng nasabing lugar.

Base sa ulat ni PLt. Col. Dionelle Brannon, MPD- Sta.Mesa Police Station 8 commander, bandang 2 a.m. nang ikasa ang buy-bust sa bahay ni Gonzales sa San Lorenzo St., Brgy.598 sa Sta.Mesa.

Anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang sa gramo na may halagang P115,600 ang nakumpiska sa nasabing buy bust.

Nakumpiska rin ang 9MM kalibreng baril na Taurus, tatlong magazine at 25 na bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng Republic Act ( R.A) 9165 ang mga suspek. Nadagdagan pa ng kaso si Gonzales sa paglabag sa R.A 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions).

AUTHOR PROFILE