Luis

Luis, nag-sorry sabay congratulate kay Cong. Ralph

January 13, 2024 Vinia Vivar 124 views

Hindi nakalimot si Luis Manzano na i-congratulate ang kanyang stepfather na si Batangas 6th District Congressman and House Deputy Speaker Ralph Recto sa pagkakahirang bilang bagong head ng Department of Finance (DOF).

Ginanap ang oath-taking ceremony ni Cong. Ralph nitong Biyernes na pinangunahan ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post ng kanyang pagbati si Luis para sa stepfather kasabay ang paghingi ng paumanhin dahil hindi sila nakadalo ng misis na si Jessy Mendiola sa oath-taking.

“Congratulations Tito Ralph! Sorry we couldn’t make it!” simulang mensahe ni Lucky,

Pagbibiro pa ni Luis, “Nagpagawa pa naman ako ng barong (laughing face emojis).”

Maging si Jessy ay nag-post ding ng pag-congratulate para sa bagong DOF head.

Samantala, understandable naman na hindi nakarating ang mag-asawa dahil may sakit nga si Jessy pati na ang kanilang anak na si Baby Peanut.

Sa recent post ng aktres ay sinabi niyang naka-isolate siya kaya hindi niya kapiling ang kanyang mag-ama.

Halata rin ang pag-aalala kay Luis at sey niya sa kanyang post, “Please get well na Mama @jessymendiola and Peanut @isabellarosemanzano.”

KYLE, MAKIKIPAGSABAYAN KAY PIOLO

For sure ay masayang-masaya ngayon ang fans nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes dahil finally ay napanood na nila ang matagal na nilang inaabangan at ito ay ang kissing scene ng kanilang mga idolo sa seryeng Senior High.

Ipinakita na last Thursday ang naturang eksena na first kissing scene ever nina Kyle and Andrea bilang Obet and Sky respectively.
Nangyari ito sa masquerade ball ng kanilang school.

Ayon kay Kyle, masaya siya na ang first kissing scene niya ay with Andrea.

“Masaya naman po. It’s my first kissing scene and sobra po akong masaya dahil kasama ko po ‘yung best friend ko do’n,” sey ni Kyle sa panayam sa kanya ni MJ Marfori.

Ikinuwento rin ng aktor kung paano sila napapayag sa naturang first time na eksena.

“Tinanong kami ni direk kung handa na ba kami. Nun’g una, sabi namin, ‘wow, wait lang, gagawin ba talaga natin ‘to? First time natin ‘to?’ Pero nu’ng mabasa po kasi namin ‘yung script, napakaganda kasi para kay Obet saka kay Sky (mga karakter nila ni Andrea) and sobra kaming natuwa sa script. Sabi namin, ‘gawin natin ‘to.’

“And masaya kami sa kinalabasan, we’re happy,” tsika ni Kyle.

Next week na magtatapos ang Senior High at marami pa raw mangyayari hanggang sa finale episode.

After Senior High ay may kasunod agad na bagong project na gagawin si Kyle under Dreamscape Entertainment at ang makakasama naman niya ay walang iba kundi si Piolo Pascual.

“Next week, ia-announce na po namin ni Piolo, may show po ako kasama si Piolo, kasama si Grae Fernandez at malalaman n’yo po ‘yung ibang cast next week. Sobrang excited po kami do’n, under Dreamscape Entertainment po ulit ‘yan.”

Bukod dito ay may natapos na rin silang pelikula ni Piolo na ipalalabas this year.
item 3

Bilin ni Dolphy sa mga anak:

’Wag mag-aaway-away sa mana 

Ibinahagi ni Eric Quizon sa panayam ni Ogie Diaz kung paano nila pinaghati-hatiang magkakapatid ang mga naiwang property ng yumaong amang si Comedy King Dolphy.

Ayon kay Eric, noong time na nagkasakit na ang kanilang ama ay inayos na nito ang lahat ng mga dapat hatiin at ibinigay na ang kani-kanilang parte.

Pero of course, may mga naiwan pa ring properties at siya umano ang itinalaga ng kanyang ama na maging executor ng estate nito.

Labing-walo silang magkakapatid at lahat sila’y pantay-pantay ang naging hatian dahil ‘yun ang gusto ng daddy nila.

“Ang nangyari kasi nu’n, ang daddy ko, before that happened, nu’ng nalaman na niyang may sakit siya, ang ginawa na niya is binigyan na niya kami lahat.

“That’s why, nu’ng dumating ‘yung last few months niya, before he died, may mga natira na lang na properties, ta’s ‘yun na lang ang pinaghati-hatian,” kwento ni Eric.

Ibinilin din daw ng kanilang ama na huwag silang mag-away-away na magkakapatid sa mana.

“Bago namatay ang daddy ko, sinabi sa amin, ‘ayokong mag-aaway kayong lahat, ha?’ So, kumbaga, parang tumatak sa isip namin ‘yun na basta may problema, ayusin mo ‘yan, ayusin n’yo ‘yan.’

“Of course natural lang ’yung mayroong diskusyon na ‘bakit gano’n? Dapat mas mataas ‘yong presyo. Dapat ganito, dapat ganyan.’ But in the long run, somehow, we managed to agree on everything that is laid upon us,” aniya.

At kahit nga raw 11 years nang yumao ang kanilang ama, nakapag-provide pa rin ito sa kanilang magkakapatid dahil nga sa mga property na naiwan nito.

“Kasi every month, may nakukuha ‘yung mga kapatid ko. Kamukha niyan, ‘yung Dolphyville, ‘yung subdivision namin sa Calatagan (Batangas), so siyempre, pandemic, kinakabahan kami lahat dahil walang source of income, ‘di ba?” aniya.

Ang ginawa nila ay nagbenta sila ng properties sa Calatagan kaya may nakukuha pa hanggang ngayon ang mga kapatid niya.

Ipinaliwanag din ni Eric ang iba pang sakop ng inheritance laws at sinusunod talaga nila nang naaayon sa batas.

Puring-puri naman ng netizens si Dolphy sa maayos na pagpapalaki sa mga anak dahil hindi selfish at greedy ang mga ito kaya hanggang ngayon ay maayos ang kinapuntahan ng mga ari-arian nito.

Pinuri rin nila si Eric sa maayos na pamamahala ng Dolphy Estate.

AUTHOR PROFILE