Default Thumbnail

LTFRB inimbita Laban TNVS sa dayalogo

April 19, 2023 Jun I. Legaspi 281 views

INIMBITAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Laban TNVS sa isang dayalogo upang maihain nito ang kanilang mga hinaing, partikular sa pagbukas ng 10,300 TNVS slots.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, bukas ang tanggapan ng LTFRB para sa Laban TNVS at maging sa iba pang mga transport group upang mapag-usapan ang lahat ng hinaing ng mga ito hinggil sa pagbubukas ng karagdagang TNVS slots.

“As I have said time and again, the LTFRB is open to discuss matters related to concerns, at that time on the PUV modernization program, and now on the additional TNVS slots. We have always believed that a truthful and sincere dialogue will help in the resolution of any issue, and we will always welcome that,” pahayag ni LTFRB Chairman Guadiz.

Ang imbitasyon ay ipinaabot ng LTFRB sa Laban TNVS matapos magpahayag ng pagtutol ang grupo sa desisyon ng LTFRB na magbukas ng karagdagang 10,300 TNVS slots sa Metro Manila, kabilang ang Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Project (MUCEP) area.

Nauna nang kinontra ng grupong #LABAN TNVS ang planong ito ng LTFRB na magdagdag pa ng mga TNVS.

Ayon sa grupo ay may oversupply na ngTNVS.

AUTHOR PROFILE