Default Thumbnail

Lolong Amerikano, 77, nakitang patay ni misis

November 10, 2021 Francis Naguit 213 views

WALA nang buhay ng matagpuan ang isang 77-anyos na Amerikano ng kanyang misis sa tinutuluyang condominium sa Taft Avenue, Ermita, Manila, ayon sa ulat ng pulisya ng Manila Police District.

Nakilala ang biktima na si Douglas Harrizon, 77, nakatira sa Unit MO7, Torre de Manila.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, kay Police Brigadier General Leo ” Paco” Francisco , District Director ng MPD , alas 11:45 ng tanghali nang huling makitang buhay at nakaupo sa balkonahe ang biktima ng kanyang asawa na si Nenita ,80.

Salaysay ng ginang , nasa loob umano siya ng kanilang silid , nang bigla itong makarinig ng malakas na kalabog sa may living room. Nang siyasatin niya ay nakita nitong nakahandusay ang biktima at hindi na kumikilos.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na may diabetes at hypertension ang biktima.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Funeral Cruz morgue para sa kaukulang awtopsiya. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE