Default Thumbnail

Lalaki kinatay na parang manok sa Tondo

November 10, 2021 Francis Naguit 314 views

NAGMISTULANG manok na kinatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang duguan at laslas ang leeg sa Tondo, Manila , madaling araw nitong Martes.

Tinatayang 40 hanggang 45 anyos ang biktima, may taas na 5’4 hanggang 5’5, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng orange na t- shirt, asul na pantalon, at brown na leather shoesat. Tadtad ito ng tattoo sa katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section sa pagkakakilanlan sa salarin na hinihinalang lulong sa bawal na droga o ‘solvent boy.’

Batay sa ulat ni Det. Jayson Ibasco kay P/ Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD – Homicide Section, bandang 1a.m. nang matagpuan ang biktima sa isang tambak na basura sa Padre Rada St. malapit sa Ylaya sa Divisoria sakop ng Tondo.

Ayon sa isang Michael Ramones, tricycle boy, umabot pa sa halos isang oras umano bago pa maipagbigay alam ang insidente .

Wala naman umanong nakakakilala sa biktima. Ayon din sa mga barangay official, madalas nilang nakikita ang biktima na namumulot ng basura.

Ang bangkay ay nasa pangangalaga at inautopsy ng mga tauhan ng Funeral Cruz. NINA FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE