Default Thumbnail

Lolo, 63, dinedo sa loob ng bahay sa QC

November 23, 2022 Melnie Ragasa-limena 170 views

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay sa loob mismo ng kaniyang tahanan ang isang 63-anyos na lalaki sa Quezon City, Martes ng gabi.

Ang biktima ay kinilala sa alyas na “Putol”, 63, walang asawa at nakatira sa Rodriguez Subdivision, Barangay Baesa, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 4:20 ng hapon (Nobyembre 21), nang pagbabarilin ang biktima sa loob ng kaniyang bahay sa nasabing lugar.

Ayon sa mga nagrepondeng sina PSMS Roel Guarino, P/Cpl. Camilo Ross Cunanan, Pat. Regie Cabasag, at Pat. Michael Perez, nagpapahinga umano sa loob ng bahay ang matanda nang pasukin ng mga suspek na nakasuot pa ng helmet at ilang ulit na pinagbabaril.

Nang matiyak na wala nang buhay ang matanda ay saka tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO (Scene of the Crime Operatives) team mula sa QCPD (Quezon City Police District) Forensic Unit na pinamumunuan ni PSMS Federico Manzano ang limang cartridge cases at dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa isinagawang awtopsiya, nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo ang biktima dahilan nang agaran niyang pagkamatay.