Default Thumbnail

Rep. Atayde: Magtalaga ng ‘czar’ sa flood control projects

November 23, 2022 People's Tonight 200 views

HINIMOK ni Quezon City District 1 (QCD1) Representative Juan Carlos Arjo Atayde ang gobyerno na unahin ang mga flood control measures at magtalaga ng “Flooding Czar” na tututok sa pamamahala at pagkumpleto ng flood control projects.

Sa kanyang privilege speech noong Martes, idinaing ni Atayde na problema din ito sa Kamara at ilang beses na ding suspendido ang kanilang trabaho dahil sa malalang pagbaha.

“Mukhang napapanahon na para mag designate ng isang opisyal mula sa ehekutibo na tututok sa flood control projects,” ayon kay Atayde.

“By designating a ‘Flooding Czar’ in the Cabinet, someone will be primarily responsible for ensuring proper coordination between the Department of Public Works and Highways (DPWH), the Metro Manila Development Authority (MMDA), and NCR’s (National Capital Region) various local governments with regard to flood control projects,” payahag ng House solon.

Ipinaliwanag ni Atayde na kailangang maging prayoridad ng gobyerno ang pag-fast track sa World Bank (WB) at sa Asian Infrastructure Investment Bank na pumopondo sa Metro Manila Flood Management Project, na tila naaantala base sa project indicators sa kabila ng approval nito noong 2017.

Ibininigay niyang halimbawa ang isang rehabilitasyon lamang sa 36 na pumping stations na kailangang ayusin mula pa noong Oktubre 31, 2021.

Naglalayon din ang proyekto na gumawa ng 20 na bagong pumping stations sa katapusan ng November 2024, at hindi pa ito natatapos mula pa noong October 2021.

Hinimok din ng mababatas ang DPWH na magbigay ng pondo upang mapag-aralan ang mga posibleng solusyon sa pagbaha.

“In Barangay Mariblo, Barangay Sto. Domingo, and Barangay Talayan, residents experienced waist-deep floods. Sa mga barangays sa Bungad, San Antonio, Katipunan, at Damayan naman, hanggang tuhod ang baha. Dun sa West Riverside sa Barangay Del Monte, hindi na makalabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay dahil sa tindi ng baha,” dagdag ng kongresista.

AUTHOR PROFILE