Default Thumbnail

Lolo, 58, sinaksak sariling leeg

June 6, 2023 Melnie Ragasa-limena 314 views

NAKATARAK pa sa leeg ang kutsilyong ginamit diumano ng isang lolo upang “magpakamatay” umano nitong Martes ng umaga sa Lungsod Quezon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nadiskubre ang bangkay ng 58-anyos na matandang lalaki sa loob ng kaniyang kuwarto sa Barangay Kaligayahan, Novaliches, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7 ng umaga, Hunyo 6, 2023, nagtungo ang apo ng biktima sa kaniyang kuwarto upang kumuha ng plaster na ilalagay sa kaniyang sugat nang makita niya ang kaniyang lolo na duguan sa ibabaw ng kama.

Agad na ipinagbigay-alam ng apo ang pangyayari sa kaniyang ina.

Ayon sa pulisya, ay tila nakabaon pa sa leeg umano ng biktima ang kutsilyo ng madatnan nila ito.

Sa salaysay sa pulisya ng mga kamag-anak ng biktima, nito lamang buwan ng Mayo ay nagtangka na umano ang biktima na magpakamatay.