Default Thumbnail

Mensahero, ‘kritikal’ sa tama ng bala

June 6, 2023 Jonjon Reyes 387 views

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung sadyang binaril o nagbaril sa sarili diumano ang isang 53-anyos na messenger sa loob ng gusali sa panulukan ng Quirino Avenue at Laniza Streets, Barangay 685 Zone 74, Paco, Maynila, madaling araw nitong Martes.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Ermita Police Station (PS) 5, bandang 5:15 ng madaling araw Hunyo 6, isang malakas na putok ang umalingawngaw umano ang narinig ng nakatalagang security guard sa gusali sa lugar kaya agad itong rumesponde at nakita nito ang biktima na residente ng Paco, Maynila.

Nagawa pa itong maisugod sa Ospital ng Maynila, na isinakay sa isang tricycle kasunod ang mga tauhan ng District Mobile Motorcycle, kasama ang mga tauhan ng Paz PCP, at kasalukuyang inoobserbahan ng mga manggamot dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Dahil dito, isasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga kapulisan, matapos ipagbigay-alam ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, na siyang commander ng MPD Ermita PS-5.

AUTHOR PROFILE