Default Thumbnail

Lola, alagang aso magkasamang nasunog sa bahay sa Tondo

November 13, 2022 Jonjon Reyes 254 views

MAGKASAMANG nasawi ng isang lola at ang kanyang alagang aso nang masunog ang kanilang tahanan sa Gagalangin, Tondo ,Maynila madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Juanita Bitco,79, na nagbakasyon lamang sa kanyang mga anak sa nasabing lugar.

Nagtamo naman ng mga paso sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawa pa nitong anak na isinugod sa Tondo General Hospital at Jose Reyes Memorial Center.

Pasado 2 a.m. nang magsimulang sumiklab ang sunog na nagsimula umano sa isang cellphone charger na pumutok habang nakasaksak.

Ayon kay Brgy.128 Chairman Bobby Hernane, gawa sa kahoy ang mga kabahayan kaya madaling kumalat ang apoy. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fireout sa ganap na alas 4:05 na ng madaling araw .

Dito natagpuan ang biktima kasama ang kanyang aso na magkayakap.

Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang nasa mahigit 30 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo.

AUTHOR PROFILE