Liza

Liza iniwan na si Enrique

January 16, 2023 Aster Amoyo 571 views

TWENTY-five-year-old Fil-Am singer and actress Liza Soberano has decided to move to Los Angeles, California where she hopes tocontinue her career in Hollywood na kanyang sinimulan sa horror-comedy movie na “Lisa Frankenstein” where she co-stars with Hollywood actors Cole Sprouse and Kathryn Newton.

It was last June 2022 when she decided to sign up with Careless Music and talent management headed by ex-PBB grand winner-turned singer-songwriter, talent manager and entrepreneur James Reid.

Although she gained popularity in the Philippines sa pamamagitan ng kanyang loveteam with real boyfriend, ang actor-dancer na si Enrique Gil, mas gusto na niyang mag-focus ngayon sa kanyang international career kaya iniwan niya ang kanyang karera sa Pilipinas sa tulong ng Star Magic at ng kanyang talent manager, ang actor-comedian-vlogger na si Ogie Diaz.

Although she was born in California, USA, she moved to the Philippines 15 years ago when she was 10 to live with her Filipino father.

Lisa has an American mother na hiwalay na sa kanyang ama.

Since nag-desisyon siyang sa Los Angeles na mag-base, marami ang nag-speculate na magiging problema ito sa relasyon nila ni Enrique na naiwan sa Pilipinas. They’ve been carrying an LDR (long distance relationship) since last year at alam ng marami na hindi ito usually nagwo-work.

Tahimik din ang career ni Enrique ngayon.

Enrique should start focusing on a solo career.

While Liza has now a different path and career goal, dapat ganoon din si Enrique.

AngeliAJAJ1Angli naagaw na ang title kay AJ

NAAGAW na nga ba ng Fil-Korean actress na si Angeli Khang ang trono ng (dating) reyna ng Vivamax na si AJ Raval?

Sa recent virtual presscon ng Vivamax for the movie “Bela Luna” mula sa panulat ng National Artist at premyadong writer na si Ricky Lee at direksiyon ng award-winning director na si Mac Alejandre, Angeli was introduced as the `Queen of Vivamax.’

Angeli was one of the busiest lead sexy actresses last year doing one movie after the other at sa pagsisimula ng taon ay meron siya kaagad pelikula, ang “Bela Luna” na nakatakdang ipalabas on Vivamax streaming app ngayong January 27, 2023.

Sa nasabingpelikula ay katambal niya ang dating matinee idol, ang mahusay na actor na si Mark Anthony Fernandez at isa pang emerging good actor na si Kiko Estrada. Tampok din sa nasabing pelikula sina Julio Diaz at si Millen Gal, anak ng dating sexy star na si Lara Morena.

Dual roles ang ginagampanan ni Angeli sa “Bela Luna,” her most challenging to date.

Nagpapasalamat din ang sexy star na kahit may kasamang hot sexy scenes ang mga pelikulang kanyang ginagawa, may magandang kuwento ang bawat proyekto. Masasabi niyang one of her best projects ang “Bela Luna” na sinulat ng National Artist for Film and Broadcast at pinamahalaan ng isa ring award-winning filmmaker.

Tinawag man siyang pinakabagong “Queen of Vivamax,” ayaw umano niya itong ipasok sa kanyang ulo kundi mas lalo pa umano niyang pagbubutihin ang kanyang acting in every project na ipinagkakatiwala sa kanya ng Viva, her home studio.

CelesteNanalong Miss Universe may dugong Pinoy din

NADISMAYA ang mga Filipino pageant watchers sa hindi man lamang pagpasok ng kinatawan ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa 71ST edition ng Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA nung January 14 (January 15 ng umaga sa Pilipinas).

Isa si Celeste sa early favorites among the 84 candidates pero nakakalungkot na hindi man lamang ito pumasok sa Top 16.

Gayunpaman, masaya pa rin ang Fil-Am community sa Amerika dahil ang Miss USA candidate na si R’bonney Gabriel na nanalong 71st Miss Universe (at pang-siyam ng USA) ay may dugong Pilipino.

Ang 28-year-old model and beauty queen ay from Houston, Texas. His father is Filipino habang ang kanyang ina ay American. Siya’y nagtapos ng degree in Fashion Design sa University of North Texas.

Pero hndi rin nawala ang kontrobersiya dahil marami ang nagsabi na `hometown decision’ ang pagkakapanalo ng Miss USA dahil majority ng judges ay Americans bagay na agad namang pinabulaanan ng Miss Universe Organization na pag-aari ngayon ng Thailand-based, JKN Global Group.

Ang mga tumayong judges ng ika-71st Miss Universe ay ang sumusunod: 2010 Miss Universe nasi Ximena Navarette, American rapper amd performer n si Big Freedia, American model and co-founder of Vyral Media PR Mara Martin, 1998 Miss Universe na si Wendy Fitzwilliam, American actress and sports journalist na si Emily Austin, ang Filipino-Chinese CEO and founder of O Skin Med Spa na si Olivia Co, ang American TV host na si Myrkha Dellanos at ang Indian author and member of Forbes Council and founder of Healveda Sweta Patel habang sa preliminary competition ay judges ang Miss USA 2015 na si Olivia Jordan at ang Puerto Rican Chief Marketing Officer of Impact Way na si Kathleen Ventrella.

BoyBoy tatlong programa agad ang gagawin sa GMA

TATLONG bagong programa ang sisimulan ng “King of Talk” na si Boy Abunda sa kanyang pagbabalik sa kanyang original home studio, GMA.

Simula ngayong January 23 (Monday) ay everyday siyang mapapanood sa “Fast Talk” na sa kanya tumatak nung siya’y nasa ABS-CBN pa. Nakatakda rin siyang magkaroon ng isang public affairs program at isang legal program kung saan niya makakasama ang dalawang senador, ang magkapatid na Pia at Allan Cayetano. Ang nasabing programa ay parang spin-off ng dating legal program ng yumaong ama ng magkapatid na senador, si dating Sen. Rene Cayetano, ang “Companero y Companera”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE