Default Thumbnail

​Ligtas,bastante at abot kayang pagkain

August 5, 2023 Magi Gunigundo 191 views

Magi GunigundoANG bawat tao’y may karapatan sa ligtas, masustansya at sapat na pagkain. Sa mga panahonngayon, ang presyo ng pagkain ang unang iniintinding ating mga kababayan upang mapagkasya ang sweldo at hindi alintana at pansin ang pagigingdalisay at ligtas ng pagkain at inumin. Bago pa sumapit ang susunod na Food Borne Disease Outbreak na maaaring ikamatay ng mahal sa buhay, dapat pumasok sa kamalayan ng Pilipino na ang lahat ng may bahagi sa dugtong -dugtong na tanikalang pagkain mula bukid hanggang hapag-kainan ay mayroon pananagutan na panatiliing ligtas ang pagkain.

Ang pagkain ay maaaring maging kontaminado saanumang punto mula sa produksyon hanggang sapagkonsumo. Kahit mukhang sariwa ang ating binilinggulay, prutas, karne ng baboy , manok,baka, isda, at pati itlog , hindi nakikita ng ating mga mata ang nakakatakot na mga mikrobiyo tulad ng e.coli, salmonella, hepa V, Entamoeba histolytica, at vibrio parahaemolyticus sa pagkain at iniinom.Maging saating mga kusina at kubeta ay naroroon ang mgamikrobyo. Bagama’t ang pangunahing responsibilidadsa kaligtasan ng pagkain ay nasa mga prodyuser ng pagkain sa bukid, poultry , piggery, maraming sakitna dala ng pagkain ay sanhi ng hindi wastongpaghahanda o hindi wastong paghawak ng pagkain sabahay, sa mga food service establishment, mgaslaughterhouse ,palengke at supermarket. Nagtatanim ka man, nagpoproseso, nagbebenta o naghahanda ng pagkain, mayroon kang tungkulin sapagpapanatiling ligtas nito.

Sa ngayon, halos isa sa 10 tao sa mundo ang nagkakasakit, at 420,000 ang namamatay pagkataposkumain ng kontaminadong pagkain. May namamataysa biglaang sakit na hatid ng kinain o nainom. Ang hindi ligtas na pagkain na naglalaman ng mganakakapinsalang bakterya, mga virus, mga parasito, o mga kemikal na sangkap ay nagdudulot ng higit sa200 mga sakit, mula sa pagtatae hanggang sa koleraat mga kanser. Maaaring humantong sapangmatagalang kapansanan at kamatayan ang sakitna nakuha sa pagkain. Sa Pilipinas, mahigit 17,000 katao ang nagkaroon ng acute bloody diarrhea noong2018.

Bata man o matanda ay hindi ligtas samikrobiyong lumalason ng katawan. Ang mga sakit nadala ng pagkain ay humahadlang sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga sistema ng pangangalagangpangkalusugan, pagkasira ng produktibidad at pagkasira sa pambansang ekonomiya, turismo at kalakalan. Ipinahihiwatig ng mga kamakailangpagtatantya na ang epekto ng hindi ligtas na pagkainay nagkakahalaga ng humigit-kumulang $95 bilyonsa nawalang produktibidad bawat taon.

Mainam at ang Pilipinas ay may magandangpundasyon ng patakaran sa kaligtasan ng pagkain saFood Safety Act of 2013 at ng Code on Sanitation of the Philippines (Chapter 3).Mayroon din tayongNational Codex Technical Committee upang bumuo, magpatibay o mag-localize ng mga pamantayan sakaligtasan ng pagkain sa bansa.

Subalit alam din natin na kulang ng kawani namay sapat na kasanayan ang pamahalaan upanghindi malusutan ng mikrobyo ang ating food system. Inulat ni Dr. Wessam Atif na nagkaroon ng isangcross-sectional sarbey

AUTHOR PROFILE