Posas

Lalaki sakote sa sangkatutak na boga, bala

December 22, 2023 Jojo C. Magsombol 170 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Miyerkules ang lalaking may sangkatutak na baril at bala na nakumpiska sa bahay niya sa Brgy. Ligaya, Mabini, Batangas.

Kinilala lang sa alyas Buntot ang natiklo, may live-in partner at residente ng Brgy. Ligaya, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Tinimbog si Buntot ng hepe ng Mabini Municipal Police Station na si PMaj. Arwin Baby Caimbon, kasama si Bgy. Kagawad Francisco Amboy.

Inaresto siya base sa search warrant bandang alas-11:15 ng gabi, ayon sa report ng pulisya.

Nagresulta sa pagkumpiska ng isang paltik na baril, apat na bala para sa cal. .30; isang trigger mechanism ng cal. .22 rifle, isang cal. .22 rifle charger, cal. .22 at cal. 22 rifle improvised barrel.

AUTHOR PROFILE