Default Thumbnail

Lalaki nakitang balot ng langgam!

June 7, 2022 People's Tonight 326 views

ISANG hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nakitang balot ng langgam at pinapapak ng nasabing mga insekto Lunes ng happn sa Malate, Manila.

Tinatayang nasa 50 hanggang 55 anyos ang biktima, may taas na 5’6 at diumano’y kilalang palaboy sa lugar.

Base sa ulat ni Det. John Paul Rojo, ng Manila Police District- Homicide Section ,isang Roberto Layag, parking attendant, ang nakadiskubre sa biktima sa Hidalgo Lim St., Ermita Malate Manila.

Ayon sa salaysay ni Layag, habang nagmamando ito ng mga gagarahe sa lugar ay nakita niya bangkay na nakahundasay at nakabalot sa langgan.

Kaagad ipinagbigay alam ni Layag sa barangay ang insidente na siya naman tumawag sa MPD-Ermita Police Station 5 bago nakipag-koordina sa MPD- Homicide Section.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Hunyo 5 ng bandang 8 p.m. sa naturang lugar.

AUTHOR PROFILE