Default Thumbnail

Lalaki dedo bago magpasko

December 27, 2022 Zaida I. Delos Reyes 221 views

HINDI na umabot ng Pasko ang isang lalaki matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspect habang namimili ng pang-handa sa loob ng pamilihang bayan ng Biñan City , Laguna nitong Sabado ng madaling araw sa mismong bisperas ng pasko.

Ang biktima ay nakilalang si Roldan Casbadillo, nasa hustong gulang , nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Ayon sa ulat ng Laguna Police,  nagana pang insidente dakomg 12:30 ng madaling araw sa loob ng public market ng Biñan City sa harapan ng Arevalo’s buko and fruit stall.

Nasa loob umano ng palengke ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang hindi pa mabatid na kalobre ng baril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect habang dead on the spot naman ang biktima.

Napag-alaman pa na ang biktima ay sangkot umano sa mga kasong pisikal, pananakit at pagnanakaw.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.