Default Thumbnail

Drug suspect patay, 2  pa arestado sa Camsur

December 27, 2022 Zaida I. Delos Reyes 217 views

PATAY ang isang hinihinalang drug personality habang dalawa pa ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon nitong Huwebes sa Camarines Sur.

Ang nasawing suspect ay nasa hustong gulang at residente ng Naga City.

Ayon kay Naga City Police spokesperson Sr.Master Sgt. Tobias Bongon, ang drug suspect ay napatay nang manlaban sa isinagawang buy bust operation dakong 9:45 p.m. sa Barangay Manolo.

Ininenta umano ng suspect sa pulis na nagpanggap na buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Gayunman, nang mapansin na pulis ang ka-transaksyon ay agad itong bumunot ng baril dahilan upang agad siyang unahan ng putok ng mga operatiba ng pulisya.

Nakuha mula sa suspect ang 11 sachets ng hinihinalang shabu na may timbang nv 25 gramo na nagkakahalaga ng P170,000.