Default Thumbnail

3 patay sa sunog sa Tagbilaran City

December 27, 2022 Zaida I. Delos Reyes 340 views

TATLONG miyembro ng pamilya ang nasawi matapos masunog ang kanilang tahanan nitong Biyernes ng madaling araw sa Tagbilaran City.

Gayunman, hindi pa pinapangalanan ang mga biktimang natagpuang magkakayakap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon kay Tagbilaran City Mayor Jane Yap, kabilang sa mga nasawi ang isang lalaki, babae at bata.

Nakaligtas naman ang isa pang miyembro ng pamilya na isang altar boy, na sa simbahan natulog nang maganap ang sunog.

Batay sa imbestigasyon ng City Fire Department sa lugar, nagsimula ang sunog dakong 12:10 ng madaling araw.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy atlight materials.

Sa inisyal na ulat aabot sa 50 kabahayan ang tinupok ng apoy at nasa 88 pamilya naman ang apektado.

Dakong 2:00 ng madaling araw ay idineklarang under control ang sunog at 3:35 am naman ito tuluyang naapula.

Agad din rumisponde ang city government sa mga biktima na pansamantalang pinatuloy sa gym kung saan nagtayo ng mga tent.

Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ang dahilan at pinagmulan ng sunog.